Chapter 8: Ring

59.3K 942 66
                                    

Chaos is happening today sa buong Education department. As soon as I stepped on this building kaninang umaga, hindi pa man ako nakakarating sa classroom nakarating na sakin ang balita.

Nag resign yung prof namin sa English. Rumors are spreading like wildfire dahil may nakarelasyon daw tong estudyante. Mabait si Ma'am Ella. Maganda at medyo bata pa pero siguradong imposible yung sinasabi sa kanya. May iba pang nagsabi na dahil naman daw nakaaway ni Ma'am Veluz. Since Ma'am Veluz yun nagdadalawang isip ako na baka yun nga ang dahilan considering her attitude. But well, ano pa man, sana makahanap na sila agad ng kapalit ni ma'am dahil papalapit na ang Final term

"Masakit pa ba?" tanong sakin ni Derick sabay turo sa daliri ko na may pangalan niya. Hindi pa man ako nakakasagot hinawakan niya na yun and brought to his lips at marahang hinalikan. Sa totoo lang nakakahalata na ako na excuse niya lang na tinatanong sakin kung masakit pa din dahil for sure gusto ko lang niyang mahalikan Ng daliri ko.

Magkaklase kami dito sa English and since wala kaming professor, wala kaming ginawa kung di maglambingan lang and checking out my tatts. Isang linggo na yet I can still feel a bit of pain nung nilalagay to ni Kuya Noah sakin pero nawawala yun kapag nakikita ko kung gaano kasaya si Derick kapag nakikita to. Hindi ko pa napapakita sa parents ko to dahil hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaksyon nila.

"Hindi naman na masyado" sagot ko sa kanya and smiled indulgingly.

Sinasabi ko pa nun na ayoko talaga pero ewan ko ba kung bakit ko na lang to biglang naisip nung makita ko yung poster ng babae sa parlor. Derick's name is permanently inked on me. Todo ngiti pa nga si Kuya Noah habang nilalagay to sakin.

Nakakakilig daw kasi yung meaning nang paglalagay ko ng pangalan ni Derick sa ring finger ko. Where I put his name is where he'll put the ring na gagamitin niya kapag magpapakasal na kami.

I know it's absurd na isipin ko na kaming dalawa na talaga pero ano bang mali doon di ba? Narinig ko nun sa radyo that being futuristic when you're in a relationship isnt a bad thing dahil natural lang na bilang nagmamahal ka, you're imagining your future with someone you love.

Derick yawned and let his head fell sa balikat ko sabay pikit. Kagabi galing kami sa apartment niya because I helped him with his school works. Hinatid niya ako pauwi then later that night hindi siya nakatulog kaagad. Tinawagan niya pa ako para sabihan na kantahan ko siya at baka sakaling makatulog siya. Pero kabaliktaran naman ang nangyari. Mas lalo siyang naging hyper dahil inaasar niya ako. Ang pangit daw kasi ng boses ko. Ang yabang nga! Porket magaling kumanta akala mo kung sino na.

"Baby" bigla niyang sabi habang nakapikit pa din

"Hmm?"

"How do you think destiny works?" I looked at him with one brow raised in awe. Anong nangyayari sa kanya at bigla niya na lang naisip yan?

"Uhm.. Para sakin kasi, maraming factors that affect our destiny like things na hindi natin kayang pigilan. But most of the efforts should be done by us" I said in a slow voice

"Yung pagiging bastardo ko sa tingin mo ba destiny yun?" I winced and tsked

"Can we just drop that 'bastardo' term? Hindi kasi magandang pakinggan"

"Eh anong gusto mong sabihin ko? Kahit naman bali baliktarin man ang sitwasyon yun pa din ako"

"Ugh basta, ayokong marinig yan"

Hindi na siya sumagot so was I. Nagpapasalamat ako na ang mga classmates namin hindi mapang asar. Hindi katulad nung nararanasan ng ibang couple sa classroom na magdikit lang ng kaunti uulanin na nang pang aasar. Thankfully hindi naman ganun ang mga kaklase namin. They even give us space kapag magkasama kami. Na para bang hindi kami nag eexist

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon