Chapter 32: Please

46.1K 744 93
                                    

I've been shutting out everybody since then. Hindi ko na alam kung ilang araw na akong ganito because I already lost track of the time. Wala akong ginawa kung di magkulong dito sa kwarto at umiiyak nang umiiyak. Pinuntahan na ako ni Nico, Annabeth at Penelope pero maging sila, hindi ko din hinaharap. Gusto kong pumunta dun pero ayoko. Gusto kong pumunta at makita si mama pero ayokong gawin dahil natatakot ako sa maaring masabi ko sa kanya na masasakit. Nagagalit ako sa ginagawang niyang to ng paglilihim sakin ng kalagayan niya. Ano ba ako sa kanya? Anak naman niya ako eh. Bakit kailangan na i sekreto niya sakin yun?

"Babe please dalawang araw ka ng ganito. Wala ka pang kinakain o iniinom na kahit ano. Baka magkasakit ka nag aalala ako" yakap yakap ako ni Derick habang inaamo. Kanina niya pa ako pinipilit na kumain pero umiiling lang ako. With what's happening paano ako magkakaroon ng lakas para kumain?

"Babe naman.. Kumain ka na and I promise we'll figure this one out together. Alam kong nasasaktan ka sa mga nangyayari pero hindi naman ibig sabihin nun na dapat mo na pabayaan ang sarili mo. Please kahit tatlong subo lang.."

Nagpaubaya na lang ako at hinayaan siya na subuan ako ng crab and corn soup na niluto niya kanina matigil na lang siya. Sa totoo lang nagagalit din ako sa kanya. Nagagalit ako sa pagsisinungaling niya. Nagagalit din ako sa sarili ko dahil naniwala ako sa excuse niya nun na hindi pala totoo

"Nagsinungaling ka din sakin pala huh" sabi ko sa kanya with a dry humor at umiling. Simula ng magkaganito ako, ito ang unang pagkakataon na kinausap ko siya kahit na hindi naman niya ako iniwan. Pinakita ko na nga sa kanya na hindi ako interesado makita siya yet he stays.

Huminga siya ng malalim and tinignan ako in a way na nanghihingi ng pang unawa "Babe please intindihin mo din naman ako.. God knows na ayokong magsinungaling sayo but I have no choice. Ayokong sakin manggaling ang bagay na yun dahil unang una it's a family matter. At ayokong saktan ka.."

"Oh yeah, you didnt" nginisian ko na lang siya at pumosisyon na akong hihiga na ulit. Naka limang subo na din ako kahit paano. Inabot ko yung isang basong tubig at ini straight na inumin yun. Wala naman siyang nagawa kung di tignan ako

"Im so sorry.. Im so sorry.." sabi niya sabay halik sa noo ko. Tumayo na siya bitbit yung pinagkainan ko at lumabas na. In my mind I am silently wishing and wishing na sana lumingon siya at mag stay sa tabi ko.

Because the truth is, kahit na naiinis ako sa ginawa niya hindi ko pa din maitatanggi yung katotohanan na siya ang kailangan ko.

"Rise and shine!" kahit mahimbing ang tulog ko nagising ako dahil sa narinig kong sumigaw. Ididilat ko pa lang sana ang mga mata ko pero tinakpan ko din agad ang mukha ko ng unan dahil sa liwanag na sumalubong sakin.

"Besh, gising na nakapagluto na ako!" sigaw sakin ni Annabeth habang hinahawi pabukas ang mga kurtina. Pilit kong inaalala kung ano ang nangyari kagabi pero I know that is nothing eventful dahil pagtapos akong pakainin ni Derick natulog na lang ako ulit.

Nagtataka kong tinignan ang bestfriend ko habang paunti unti na din na bumabangon. Sinilip ko yung orasan and it says na alas nueve pa lang. Anong ginagawa niya dito ng ganito kaaga at ano yung sinasabi niya na nakapagluto na siya?

"Alam kong iniisip mo kung bakit ako nandito. Well.. Tinawagan ako ng boyfriend mo at nakiusap kung pwede kita samahan for the whole day. Kailangan daw kasi siya sa studio pero hindi ka naman niya kayang pabayaan mag isa. Hays besh, really medyo bawasan mo naman ang kaartehan. Kawawa naman si Derick hindi alam ang gagawin" napakamot na lang ako sabay unat. Nung patayo na ako napaupo pa ako ulit dahil biglang sumakit ang ulo ko.

"Okay ka lang besh?" nag aalalang nilapitan agad ako ni Annabeth

"Yep okay lang" sagot ko habang sapo ang ulo ko. Sobrang tulog na to siguro kaya sumasakit ng ganito ang ulo ko.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon