Chapter 39: Shotgun Wedding

44.1K 793 86
                                    

***

Author's Note:

Hindi ko talaga mantantya kung ilang chapters na but oo, malapit na matapos. And since masyadong mahaba ang book two, tada! May BOOK THREE XD HAHA, Ano man ang mangyari magtiwala lang kayo sakin, huh? Love you guys! May group ako sa FB baka gusto niyo sumali. Kathipuneraaa Wattpad Stories yung name, you can post your feels there about my stories T^T

Comment kayo please. Lol medyo iniyakan ko to kaya nga medyo matagal kong isinulat XD

I barely remember kung ano ang mga nangyari pagtapos nung pag uusap namin ni Kuya Michael. Basta ang alam ko lang hawak hawak ako ng mahigpit ni Derick all throughout hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Kasama din namin si Annabeth na naka alalay lang sakin sa hindi ko malamang dahilan.

Pagtapos sabihin ni Kuya na umuwi daw ako, wala na kaming napag usapan dahil hindi ko na nagawang magsalita. Nabitawan ko pa nga yung cellphone ni Derick. My heart beats so fast at pakiramdam ko bigla na lang akong na disorient dahil hindi ko alam ang gagawin.

"Ano daw ang nangyari kay Tita?" tanong ni Annie kay Derick. Ni hindi ko nga matandaan kung paanong nandito na kami sa sasakyan at nagd drive na si Derick papunta dun

"Hindi ko alam. But as soon as possible kailangan natin dun makarating" ipinikit ko na lang ang mga mata ko at pilit inaalis yung masamang pakiramdam. She cant be.. She cant be dead right?

"Hold on, babe makakarating tayo dun ng mabilis" Derick assured na hindi ko na lang pinagtuunan masyado ng pansin

Alas dyes nang makarating kami sa Quezon. Hindi ko na hinintay si Derick na pagbuksan ako ng pintuan dahil pagkahinto ng sasakyan bumaba ako kaagad at nagtatakbo. Sinalubong ako ng mga pinsan ko na hindi maipinta ang mukha

"Nasa kwarto si tita" sabi sakin ni Sam at sinamahan ako sa kwartong sinasabi niya kung nasaan si mama.

Pagkabukas ng pintuan agad kong nakita si mama na nasa kama at nakapikit. I also saw her heaving kaya talagang napahagulgol ako ng iyak. She's not dead!

"Mama!" sigaw ko at lumapit agad sa kanya para yumakap. Thank you, Lord. Sobrang thank you po at nayayakap ko pa siya ng ganito

"Erica.."

"Mama, ano bang nangyayari?! Bakit hindi mo sakin sinasabi na ganito na pala?! Hindi mo na ba ako mahal?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin yun. At mas lalo akong naiyak habang tinitignan siya ngayon. Kung matamlay na siya ng huli kaming magkita, mas triple ngayon. Sobrang payat at putla na niya. May tela na din na nakabalot sa ulo niya at hindi ko na kailangan pang hulaan kung bakit. Masyado na din siyang mahina na pati pagkuha nung unan hindi niya na magawa. Agad ko naman yun kinuha at binigay sa kanya

"Erica anak.. Lumapit ka dali.." buong sikap niyang inangat yung kamay niya para i gesture na lumapit ako sa kanya. Sumunod naman ako kaagad at kinuha yung kamay niya na nakaangat at maingat na binaba ulit sa kama.

Walang nagsasalita samin dalawa. Patuloy lang sa pagdaloy yung luha ko na hindi ko pinagkaabalahan punasan. Hindi ko magawang tignan si mama ng diretso dahil sa totoo lang ayoko sana ipakita sa kanya ang pag iyak kong to.

"Ang ganda ganda mo anak. Ang swerte ko din dahil ikaw ang anak ko.." she said breatheless at ngumiti sakin

"Syempre ma bukod sa maganda, matalino din ako" sinabi ko yun para kahit paano gumaan ang sitwasyon. Tumawa pa ako na sinabayan naman niya.

"Anak sinabi sakin ng papa mo na hindi ka na daw umuuwi sa bahay. Totoo ba na kay Derick ka na nakatira?" nagulat ako sa tanong niyang yun. Kung alam na ni mama yun ibig sabihin alam niya na din yung ginawa ni papa?

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon