Chapter 22: Future

46.3K 755 50
                                    

"It was very good. You see dito pa lang na gather mo na ang attention ng audience" lumapit samin yung lalaking kumausap sa kanya kanina that if I remember Stanley ang pangalan. He tapped him on his bare shoulder. Napakunot ang noo ko dahil parang may pagka malisyoso ang paghawak niya kay Derick so without second thought ako na ang nagbihis sa kanya nung hoodie niya.

Tahimik lang ako dahil hindi ko naiintindihan yung sinabi niya. When I looked at Derick he just shrugged his shoulders

"When you've made up your mind, give me a call" sabi nito sa kanya sabay abot ng itim na papel sa kanya na may words na may naka engrave na gold letters. A calling card.

"Yeah, sure" Derick answered formally. For one last time pinaglipat niya samin ni Derick ang tingin bago tumalikod at maglakad palayo.

"Ano yung sinasabi niya?" I asked curiously

"That's nothing" there's a look of reproachfulness sa boses niya kaya alam kong hanggang dito na lang ang usapan at hindi na ako dapat pang magtanong.

Kanina pa ako galaw ng galaw dito sa kama dahil hindi ako mapakali. May dalawang oras na since nung umuwi kami ni Derick galing doon sa party ni Penelope. Hindi ko alam kung ano ang nasabi ko sa kanya na kina bad mood niya. Katunayan nag offer nga si Penny na doon na kami matulog dahil nakainom si Derick at the same time hatinggabi na but he insisted na uuwi kami. On the way here hindi niya ako kinausap. I mean, sumasagot naman siya kapag tinatanong ko pero hindi siya yung kusang magi initiate ng usapan.

Napapahawak na lang ako sa ulo ko dahil ang sakit nun. Hindi naman ako uminom pero pakiramdam ko parang ganun na din. Kanina ko pa kasi iniisip kung anong nasabi ko sa kanya na masama. Hindi naman na siguro isyu yung kay Minho di ba?

Narinig kong bumukas yung pintuan niya and his steps na bumababa ng hagdanan. Umupo ako at pumikit para mapakinggan yung mga yabag niya. Nung hindi ko na gaano marinig I got up at dahan dahan binuksan yung pintuan ko para lumabas.

With no sounds paunti unti akong bumaba sa hagdanan at sumilip kung nasaan siya dahil baka uminom lang siya ng tubig. Pero laking gulat ko ng bumukas din yung pintuan sa sala. Meaning, lumabas siya.

It's almost three in the morning at saan naman kaya siya pupunta? Lalong hindi gumanda ang pakiramdam ko so when he left the door shut behind him naglakad na ako papunta ng sala and listened again to his footsteps. Hindi ko narinig bumukas yung gate so meaning hindi siya lumabas dito sa compound. I opened the door and cold air greeted my face. I saw him turned left papunta sa likod nitong apartment and from here alam ko na kung saan siya pupunta.

Sinara ko yung pinto at nagmadali na maglakad papunta sa pinuntahan niya. I climbed the ladder na fifteen feet din siguro ang taas at nang makarating na ako sa rooftop, I saw him. Nakatalikod siyang nakaupo habang sa tabi niya may bote ng brandy.

Bigla akong nagdalawang isip kung lalapitan ko ba siya. Hindi kaya yung lalaki kanina may kinalaman kung bakit siya nagkakaganito?

"Bakit gising ka pa?" his voice sent a jolt to me na muntik pa nga akong mapatalon. While drinking the brandy pumihit siya paharap sakin waiting for my answer

"Hindi ako makatulog"

"Why is that?"

Naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa tabi niya. We're higher up here and there's nothing pleasant to see below pero pinirmi ko yung mga mata ko sa puno ng acacia. Tinignan ko siya and reached for his hand

"Is there something bothering you? May nasabi ba ako kanina that upset you?" marahan kong tanong. Nabitin yung akma niyang pag inom nung brandy and smiled at me weakly

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon