Chapter 19: Distract

45.6K 1.1K 108
                                    

"Erica, anak!" dinig kong sigaw ni papa pero hindi ko pa din siya nililingon. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad papunta doon sa kanto ng kalye namin kung saan ako susunduin ni Derick.

Wag kang lilingon, Erica! Wag na wag kang lilingon! Kapag ginawa mo yun baka may magawa kang pagsisisihan mo!

"Anak, naman!" natatanaw ko na yung sasakyan ni Derick kaya tumakbo na ako. Pinara ko siya at agad kong binuksan yung pintuan at pumasok

"Drive!" apura ko sa kanya na sinunod naman niya.

Hindi ako tumingin sa bintana. Hindi ako sumilip sa side mirror para makita kung hinahabol pa din ba niya ako. Basta ayoko muna siyang makita. Alam kong isang kalapastanganan ang magalit sa magulang pero hindi ko talaga kayang pigilan tong nararamdaman ko para kay papa.

Sino ang babaeng yun? Kailan pa nambababae si papa? Bakit niya ginawa yun? Hindi kaya yun ang dahilan kung bakit umalis si mama?

Gustong gusto ko umiyak! I want to scream and break something so bad para kahit paano mabawasan tong init na nararamdaman ko but I can't even move a finger. Pakiramdam ko nalulunod ang utak ko sa dami ng mga tanong na wala namang kasagutan.

I am incredibly angry with him. At kahit mali pati kay mama nakakaramdam ako ng inis dahil inilihim niya sakin ito. Ano ba ang nangyayari? My parents.. They're insanely inlove with each other. Noong bata ako habang lumalaki I used to watch them kissing and hugging. Pumapalakpak pa nga ako nun kapag nakikita ko silang ginagawa yun cause I find it sweet. I even dreamed of having a love like theirs.

But then bakit ganito? Why is this happening?! Dahil ba maysakit si mama kaya naghanap na si papa ng iba? O matagal na tong nangyayari pero hindi lang namin alam?

"Babe nandito na tayo sa aparment" noon ko lang napansin that my eyes were already blurred dahil sa mga luha na hindi kayang bumagsak. But they still did anyway when I blinked

Derick wiped it with his thumb and even kissed my eyes. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Hindi pa din ako gumagalaw. Parang mas gusto ko na dito na lang ako sa loob at pag isipan ang mga bagay na nangyayari sa pamilya ko.

"Babe, let's go" umiling lang ako. Umupo siya na nakaharap sakin at kinuha ang kamay ko

"Hindi muna kita tatanungin kung anong nangyari pero kailangan natin pumasok sa bahay" tumalikod siya at binuhat ako sa likod niya. Pakiramdam ko hindi naman siya nahihirapan dahil normal pa din ang paglakad niya.

Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya at pumikit. Pero nakikita ko pa din si papa at yung babaeng yun. Yung babae na siguro ilang taon lang ang tanda sakin.

Hindi talaga kaya ma process ng utak ko ang bagay na yun. Si papa.. He's the man I'd looked up to my entire life. A man who had always been my hero. Palagi kong iniisip how perfect my family is. Na kahit hindi kami mayaman, nagmamahalan kami. Na kahit ako lang ang anak, masaya pa din kami. Na kahit hindi kami sagana sa mga materyal na bagay, maipagmamalaki pa din ang pamilya namin dahil buo kami. We've been through so much. I always thought that we're unbreakable

But I am very wrong.

Kinuha ni Derick yung susi ng apartment sa bulsa niya at binuksan yun. He turned up the lights pagpasok namin at maingat akong inilapag sa sofa. Humiga lang ako at tinakpan ng throw pillow ang mukha ko. Sana makatulog na ako para kahit paano hindi ko na maramdaman tong sakit. Kaya kong tiisin lahat. Nakaya ko ngang i let go nun si Derick pero itong nangyayari sa pamilya ko? Hinding hindi ko kakayanin

Naramdaman kong lumubog may umupo sa tabi ko and someone touched me. "Babe, mag gatas ka muna at magbihis. You cant sleep with your uniform" sabi niya pero hindi pa din ako gumalaw

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon