Chapter 49: Two Lines

38.9K 687 104
                                    

***

Author's Note:

This is a surprise update actually. Pasensya kung medyo maikli. Maawa kayo sakin ang hirap kasi isulat. Nalulungkot ako sa nangyayari and writing six to eight pages sad chapter will be the death of me. So please bear with me kung inuunti unti ko. Wag kayo mag alala mabilis naman na ang mga update til the end. Baka nga araw araw na eh cause ayoko na patagalin ang sakit. Tapos naman na sa utak ko to kaso medyo nahihirapan pa ako itype. Believe me, Im crying too.

Good News- malapit na matapos

Bad News- walang POV si Derick

Sa last chapter ko ipapaliwanag kung bakit

Naalala ko bigla yung sinabi sakin ni mama nung naging boyfriend ko si Robie pero mahal ko si Derick. Hindi daw laro ang pagmamahal. People cut their ears off over this stuff, may iba na tumatalon ng 100th floor building at mayroon din na nagpapakamatay dahil dito.

Hindi pa din lubusan na nagsi sink in sa utak ko ang mga pinagsasasabi ni Derick kanina. The whole thing doesn't just make any sense. Yung pagsasabi niya na hindi niya ako kilala, yung sila ni Cathy, yung basta niya na lang pambabalewala sakin: everything is just so senseless right now.

Sa kabila ng ingay nila Nico habang nag uusap, nagawa ko pa din na ipikit ang mga mata ko at isiping mabuti kung may nagawa ba ako sa kanya. What did I do para maging ganun siya? Have I done something wrong for him to just leave me like that na wala man lang sabi sabi?

Cause as I am thinking of it now, it's just absurd. Ayokong isipin na may affair na talaga sila ni Cathy noon pa man pero yun lang ang kaya ng isip ko na ma conclude. Yung date nila nun, totoo siguro yun. Idagdag pa na kaya din nagagalit si Derick kapag may sinasabi akong masama tungkol kay Cathy, grabe siya makapag react.

Kaya pala si Cathy malakas ang loob na maging bitch sakin. Dahil pala ganun sila ni Derick.. But then, mahal na mahal ko pa din siya at gagawin ko ang lahat bumalik lang siya. I dont know what went wrong pero sisiguraduhin kong mababawi ko siya.

Magmamakaawa ako hanggang sa ako na din ang sumuko.

"What do you think happened to Derick?" dinig kong tanong ni Annie pero hindi ko alam kung sino doon sa tatlo yung kausap niya dahil lahat sila nakabaling sa iba ang atensyon.

"Wala akong maisip na dahilan kung di isa lang: May relasyon na sila ng Cathy na yun noon pa man and he just planned to blow the whole thing with Erica sa harapan ng maraming makakakita. That fuck!" nanggagalaiting sabi ni Anden at nilingon si Annabeth at ako. Wala naman akong naging tugon doon

"I know Derick all my life at hindi siya ganun! Kung may relasyon man sila ng Cathy na yun malalaman ko dapat dahil ako ang una niyang pinagsasabihan pagdating sa ganyan.. Araw araw niyo halos kasama si Derick, so I suppose you know something" kontra ni Nico at pinglipat ang tingin kay Anden at Minho. Si Minho nakaupo lang at tulala. Ngayon ko lang naisip na simula nung umalis - pinaalis kami sa mansyon, hindi pa siya nagsasalita.

"He's normal. Kami ang palagi niyang kasama. Kilala ko din si Cathy.. You know she's capable of getting someone that's not hers" sabi na naman ni Anden

"Pero hindi si Derick yung klase ng nagpapa agaw!" Annabeth said angrily. I am actually surprise na ipinagtatanggol niya ngayon si Derick samantalang kanina grabe siya kung makamura doon. Siguro galit lang siya nun at ngayon na nawala na yun saka na siya nakakapag isip ng matino.

Hindi si Derick ang klase ng nagpapa agaw. Yes. Pero ano yung kanina?

"You sure about that? After what you have just witnessed you may want to change your perspective about him" Anden snapped back at tinignan ako. Nanatili pa din akong walang kibo

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon