Chapter 40: Six Feet Below

43.5K 713 62
                                    

I dont know how long it takes for me to realize that she's gone and there is no way na babalik pa siya cause for a minute umasa ako na may himalang mangyayari at magigising si mama.

Everything inside me screams for one more glance, one more kiss, one more touch, one more.. One more moment na makausap ko siya. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal. That how sorry I am sa mga panahon na nagpapasaway ako o kung may mga pagkakataon na na disappoint ko man siya but then, alam ko naman na hindi mangyayari yun. All I do is cry and cry na para bang maibabalik ng mga luhang to si mama pero wala naman na akong ibang magawa. Crying feels so stupid and worthless but it's all I can do. She's gone.. She's gone. My world will never be the same again dahil wala na siya.

Bakit ba ganito ka unfair ang buhay? Bakit ang unfair ni Lord? Marami namang masasamang tao sa mundo pero bakit si mama ang binigyan niya ng sakit na yun? Bakit hindi na lang sa mga magnanakaw? Sa mga rapist? Sa mga mamamatay tao? Bakit kailangan sa mama ko pa na wala namang ginawa kung di alagaan kami ni papa. Yung tiyakin na masaya ako at nabibigay sakin yung mga kailangan ko.

Why her? Please, why her?

"Babe.." naramdaman kong umupo sa tabi ko si Derick at umakbay sakin. Hindi ko siya tinignan dahil wala akong kakayahan. Sinandal niya yung ulo ko sa balikat niya na hindi ko naman na pinigilan. Wala akong lakas gawin ang ibang bagay ngayon bukod sa umupo dito at tignan ang portrait ni mama na nakalagay sa glass ng kabaong niya.

Ito pa ang isa sa masakit. Alam na ni mama na talagang mamamatay siya and she has prepared this portrait of her. Sinabi sakin ni Kuya Glenn na nung dumating daw si mama sa Quezon nagpa picture na siya para sa okasyon na to. Even the dress she's wearing ay siya din ang bumili.

Habang ako walang kaalam alam. Nandun lang ako sa Manila na abala kay Derick, sa pagsama ng loob ko kay papa at kung ano ano pang bagay. Magsisi man na ako huli naman na dahil wala na siya. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hindi ko na kinonsiderate na sasama ang loob niya sakin kung pinigilan ko siya sa pag uwi. Sana nung nalaman kong itinago din to ni Derick sakin sana nung panahong yun nag insist ako at pinuntahan na siya. I wish I'd paid better attention on her..

Nang sa ganun kahit paano hindi ganito ang nararamdaman ko. I feel like the most terrible person that ever existed dahil hindi ko man lang siya naalagaan. Kahit sa mga huling sandali niya ako pa din ang iniisip niya.

"Bakit kailangan mangyari to kay mama?" tanong ko kay Derick at mas lalong bumuhos ang luha ko. Niyakap niya ako ng mahigpit na para akong baby na nasa mga braso niya.

"Hindi ko din alam. I am actually asking the same question to myself over and over again pero hindi ko talaga maintindihan. But babe, death is just another path that each of us take. Siguro hanggang dun na lang talaga si mama.. And there's nothing we can do about it"

"Bakit kailangan na siya ang magkasakit? Sana ako na lang"

"Hindi naman namatay si mama eh. Nagpunta lang siya sa ibang lugar. Don't be foo hard on yourself. Di ba ikaw na din ang nagsabi sakin dati na may mga bagay talaga na hindi mapipigilan? That destiny sometimes works that way? Everything happens for a reason, babe" and I wish na sana alam ko ang dahilan na yun.. Baka sakaling gumaan ang nararamdaman kong to.

Ngayon na wala na si mama paano na ako? I feel like a lost puppy. Paano ko haharapin yung mga darating sakin kung wala na siya? It seems like I am going to a battle with no back up. I feel so lonely.

"Wag kang matakot, babe. Nandito naman ako na asawa mo, mga kaibigan mo at lalo na si papa. Hindi ka namin iiwan"

Napalingon ako para hanapin si papa at nakita siya na nakatayo sa likuran mag isa. Nagkatinginan kaming dalawa ng matagal and that's when I realize na namumula ang mga mata niya probably sa kakaiyak din. Hindi pa din tuluyan na nawawala ang sama ng loob ko sa kanya pero natablan din ako ng katotohanan na pinagluluksa niya ang pagkawala ni mama. That he cared for her atleast

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon