Chapter 4: Without You

63.7K 1K 62
                                    

WARNING: SPG
Then basahin po ang author's note sa dulo

Walang nagsasalita samin throughout the drive. And the silent is screaming na galit pa din siya. Sa totoo lang nagi guilty din naman ako sa ginawa kong pagtataas ng boses sa kanya kahit na hindi ko naman sinasadya.

At ngayon na may pagkakataon na akong makapag isip ng maayos, parang may mali sa kanya

"Baby.."

"Punta tayong restaurant. Ipapakilala kita kay Penelope. Nandun din si Nico hinihintay na nila tayo"

Okay sabi ko nga eh ayaw niya akong kausapin. I just crossed my arms at binaling sa bintana ko yung tingin ko.

"Together?" sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Together" at sapat na yun para mabigyan ako ng pag asa na bago pa man matapos ang araw na to, magiging okay kami.

When we arrived sa restaurant na sinasabi niya bumaba ako kaagad. Nakakunot na naman ang noo niya na lumapit sakin.

"It's a standard protocol na ang lalaki pinagbubuksan ang babae ng pintuan. So next time hintayin mo ako before you step out of the car. Get it?" kinuha niya yung kamay ko at inalalayan ako papasok.

Sa totoo lang naiiyak na ako. Bakit ba kasi ganito siya? Ganun ba talaga ka big deal ang nangyari kanina para magalit siya ng ganito to the extent na ang cold niya?

"DA!" may babaeng sumigaw at lumapit samin sabay yakap kay Derick. Mukhang nahihirapan yung babae sa posisyon nila but I dont see any signs na bibitawan ako ng
boyfriend ko.

Hindi naman gaano nagtagal ang yakapan nila. When they parted saka niya lang ako napansin. Nginitian niya ako kaya ngumiti din ako. Grabe, ang ganda ganda niya. Blonde ang buhok, matangkad, sexy, blue eyes at maputi. And I suppose she's Penelope

"So Nico's been talking about you having a girlfriend. At first I didn't believe it but upon seeing you now.." sabi niya kay Derick at tumingin sakin sabay ngiti

"Hey"

Hindi ko naitago ang pagiging excited nang makita ko si Nico.

"Nicoooo!" nilapitan ko siya at niyakap "Mas gumwapo ka ata?" puri ko sa kanya na totoo naman. Kahit naka school uniform lang siya nagmukha siyang model. Ngayon ko lang din napansin na bagong gupit siya at chestnut brown na ang kulay ng buhok

He just laughed at kinurot ang pisngi ko "Ikaw din mas gumanda. Bagay sayo yang school uniform mo"

Hindi ko alam kung binobola niya lang ba ako. Simpleng long sleeves na blouse, color black na mahabang skirt at necktie lang naman ang uniform namin sa SIU

Tumikhim si Derick kaya napalingon ako sa kanya. He pulled me to him at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan lang naman niya ako sa harapan ng mga kaibigan niya. Buti sana kung smack lang eh. Kaso malalim yung halik. At ayoko naman na bumitaw

"Eherm" nagkunwaring tumikhim si Penelope kaya naghiwalay na kami. I looked at him straight to the eyes. May bumabagabag sa kanya. At kailangan kong alamin kung ano yun.

"Babe, I want you to meet our friend. Penelope Juliet" Penelope extended her hand at tinanggap ko naman yun

"Im so happy to finally meet you. Well, Derick told me a lot of things about you" bigla naman akong kinabahan na nahiya. Sana naman puro positive lang ang naikwento ni Derick about sakin.

Naramdaman niya ata na nag iisip ako ng ganun. He curled his arms on my waist at and kisses my shoulder blades. Ano kaya ang nangyayari dito at ang moody? "Loveyou babe" bulong niya sakin and kissed my earlobe.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon