Chapter 37: Awkwardness

41.5K 732 41
                                    

***

Author's Note:

You know the rule. If the story is boring you then you can stop reading now. I seriously dont have problem with that. And the thing is, I dont copy this story from somewhere so you need to understand that it's not easy to just produce an update within a span of minutes. I appreciate that you love the story - so much, but still patience is a virtue.

Galit ako kaya english. Hahaha. Medyo nagsasawa na din ako sa mga comments na bakit sobrang detailed ko masyado to isulat. Well, kung hindi ko yun gagawin maraming loopholes ang mangyayari. Gusto niyo ba na ma shock na lang kayo? I trust my readers. Hindi ko din ipinagdadamot ang plot dahil gusto ko pati kayo nag iisip. Yung tipong naghahanap ng clues.

Anyway, saka na ako mag eexplain kapag tapos ko na ang lahat. Thanks and love you guys!

Ngayon ang araw ng pasukan namin at maaga akong nagising kahit na mamayang tanghali pa naman ang pasok ko. Nung una naiinis pa ako dahil nakakatamad yung ganun na schedule pero napag isip isip ko na maganda na din to para atleast naaasikaso si Derick. Yung remaining days ng bakasyon ay ginugol namin sa pagluluto. Marami naman na siyang naituro sakin at sapat na yun para pagkatiwalaan niya ako na maghanda ng agahan namin araw araw.

Tinignan ko siya na mahimbing na natutulog sa tabi ko at hinalikan ang ulo niya. Kawawa naman kasi siya. These past few days pagod din siya lalo na sa pagshoot nung music video nila. Naipakita na niya sakin yung final job at maganda naman. Im no expert in songs kaya tinanong ko pa siya about dun. He said na ballad daw pero medyo gothic yung theme katunayan nakakatakot nga yung get up nila especially siya na nagmukhang bampira.

Nitong mga nakaraan napapadalas din ang pagiging active ko sa pag iinternet para magbasa ng mga balita ng tungkol sa kanila and to search for easy to cook foods. What I hated most is yung about kay Cathy! Damn her! After na makita silang nagd date ni Derick masyado siyang nagpa mistery effect nung ininterview siya about dun. Tinatanong siya kung may relasyon ba sila and all she managed to do ay ngumiti. Of course, people will conclude na meron dahil sa ginawa niyang yun! Mabuti na lang hindi pumunta si Derick nung party niya so yeah.. Hahahaha

"Babe, what time is it?" gising na pala siya. Kinuskos niya yung mga mata niya at dahan dahan na bumangon.

I glanced at the clock "Seven am" buhat sa sinabi kong yun napadilat siya at gulat na gulat na napatingin sakin

"Babe, kailangan ako sa agency ng eight am! Damn it" bago pa ako makapagsalita tumayo na siya at nagtatatakbo palabas.

Hindi na din naman ako naghintay na tumaas na ng husto ang araw. Pagkalabas niya nag stay lang ako sa kama for a couple of minutes pagtapos ay bumaba na din. Naririnig ko yung lagaslas ng tubig sa banyo so there's no mistaking na naliligo na siya.

Hindi naman niya sinabi sakin na maaga siya ngayon para sana kanina pa ako gumising at pinaglutuan siya ng pancakes! So since nagmamadali ngayon gagawan ko na lang siya ng ham sandwich. Patapos na ako magluto nung lumabas siya sa CR

"Don't bother anymore, babe nagmamadali talaga ako" huminto lang siya para sabihin yun pagtapos ay nagtuloy na sa pag akyat. Nagmadali akong ilagay muna sa plato at tinakpan yung ham pagtapos ay inilang hakbang din ang pag akyat papunta sa kama niya.

"Anong isusuot mo? Akin na plantsahin ko" pag offer ko sa kanya. Kasalukuyan na siyang nagsusuot ng pants at pinapagpag ang buhok niya.

"Nah babe, magt t shirt na lang ako. Im really in a rush" nagnod na lang ako at bumaba na ulit para i prepare yung sandwich. Tatlong ham yung naluto ko. Para sakin yung isa habang yung dalawa binalot ko para sa kanya

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon