Chapter 14: Compensation

55.7K 829 58
                                    

Ever since nagkita kami kanina nila Penelope at Nico, hindi na ako hiniwalayan ni Penny kahit ngayon na pababa kami ng hagdanan at papunta sa department nila Derick dahil susunduin namin siya

"How is he on bed?" Penelope asked incredulously na narinig ata ni Nico na nauuna samin maglakad dahil nilingon niya kami na nakangisi. He looked at me from head to toe as if expecting to see something different from me.

"Wag ka maingay dyan, Penny! Baka kung ano pang isipin niyan ni Nico" I whispered to her sa matigas na boses para malaman niyang seryoso ako. Kahit hindi ko makita ang sarili ko sa salamin alam kong grabe ang pagiging mapula ng mukha ko. Hindi ko na nga siguro kailangan pang maglagay ng blush on para sa klase namin kay Ma'am Reyes mamaya - yung professor na nagsermon sakin nun dahil hindi daw ako marunong mag ayos.

"Para namang hindi tayo magkaibigan niyan.." Penny said then pouted his lips na para bang nalulungkot siya

"Eh kasi naman yang mga pinagsasasabi mo eh"

"Eh bakit ba kasi hindi mo na lang aminin sakin na may nangyari talaga sa inyo ni DA? I wont judge you guys naman eh. Syempre mahal niyo naman ang isa't isa at natural lang yun" alam ko naman na seryoso siya sa sinabi niyang hindi niya kami huhusgahan pero hindi pa din talaga ako komportable sabihin sa kanya ang bagay na yun. Tinawanan ko na lang siya and catch up with Nico na medyo nakakalayo na samin.

Pumunta kami kung nasaan ang elevator nung makarating na kami sa Business Administration department dahil nasa fifth floor pa ang klase ni Derick. Pinagtitinginan si Nico ng mga estudyante na nadadaanan namin. Paano ba naman kasi, naka uniform pa siya ng Erudite University na rival ng school namin pero parang wala lang sa kanya.

"Para naman akong kakainin ng mga tao dito" Nico said nung makapasok na kami sa elevator despite na may tatlong iba pa kaming kasama na weird kung tumingin sa kanya

"Well mister, kung hindi mo gets, kung bakit ba naman kasi hindi ka man lang magbihis bago pumunta dito ano? Or wear something like jacket" sagot ko pabirong paraan that made Penelope nodded in agreement. Kahit hindi siya dito nag aaral alam niyang may animosity talaga between Erudite and St. Ignatius.

Actually hindi lang naman ang pagiging country's top university ang pinaglalabanan ng school namin at school nila Nico. Magkalaban sa lahat ng bagay ang Erudite at St. Ignatius. Nandyan yung sa pagproduce ng mga matatalinong students, excellent school infrastractures, sports at kung ano ano pang competition na kung saan kasali ang mga schools namin.

"Bakit murderers ba mga estudyante dito? Pwede ba wag na tayo makisali sa ka immature an ng mga eskwelahan natin? We dont pay them shit to teach us shit" sa sinabing yun ni Nico bahagya pang nagulat yung mga kasama namin pero hindi naman nagtagal yun dahil bumukas na yung elevator door dito sa third floor at lumabas na sila.

Hindi naman tinuturo ng mga professors na i hate namin ang mga taga Erudite pero parang ganun din ang gusto nila iparating kapag nagkukwento sila ng mga bagay about Erudite. Nung first day nga ng school they welcomed us by saying "Thankyou for choosing St. Ignatius University over Erudite University"

Sa lahat ng departments dito sa school, karamihan ng magaganda't gwapo nandito sa College of Business Administration kaya minsan hindi ko din masisi si Ma'am Reyes kung bakit gustong gusto niya na nag aayos ang mga taga Educ dahil karamihan naman talaga samin conservative at mukhang manang. Sa sobrang daming pinapagawa ni hindi na makuhang makapag ayos ng mga estudyante. Nakaka stress naman kasi maging teacher!

"Saan tong room 547?" Nico asked habang nakatingin sa phone niya. Maybe magkatext sila ni Derick.

"Ugh sa kabila yan ikot tayo" we turned to a left at binagtas ang mahabang lobby na maraming estudyante

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon