Chapter 42: Life And Lies

45.9K 741 109
                                    

***

Author's Note

Sorry kung medyo natagalan ang update! Ang hirap isulat nito infairness. Anyways, sana matapos basahin because this is an important chapter. Another plot twist kumbaga. Tell me your thoughts afterwards! :) Pasensya sa mga unreplied messages, bukas po ako sasagot!

Being back in this place makes me want to cry. Ngayon na wala na si mama, saka ko lang napagtuunan ng pansin yung mga framed pictures ng pamilya namin dito sa loob ng bahay. I cling on them dahil alam kong mga alaala yun ni mama. Yun ang magsisilbing alaala na naging nanay ko siya at naging anak niya ako. Na dito sa mundong ibabaw pinagpala kami na maging pamilya.

Nasa kusina si papa at pinaglulutuan ako ng makakain. Hindi ko siya kinakausap o kinikibo man lang. Hindi naman kasi siya ang pinunta ko dito. Sa totoo lang, kung hindi lang naman dahil sa pakiusap ni mama na yun, hindi ko na gugustuhin pang bumalik sa bahay na to. This house is my safe haven, dito ako lumaki, all my life I've been here pero yung ginawa ni papa na pagdadala ng ibang babae dito at yung nalaman ko pa tungkol sa kanila ni Ma'am Veluz ang tumupok ng kasiyahan na meron ako dito sa bahay na to dahil pakiramdam ko kasinungalingan na lang ang lahat.

Tahimik akong umakyat papunta sa kwarto nila. Marahan kong tinulak ang pintuan at pagkapasok tumayo muna ako at iginala ang tingin sa paligid. Tumingin ako sa kama kung saan nakahiga nun si mama nung magpaalam siya sakin na uuwi muna sa probinsya. It brought tears to my eyes na agad ko naman pinunasan. Kailangan kong hanapin yung sinasabi niyang box

Naglakad na ako at binuksan yung cabinet nila. Hinalungkat ko ang mga damit na nakatupi sa bandang ibaba at kung basta na lang inalis ang mga yun. It took me a few minutes para makakita ng box that I suppose yung tinutukoy ni mama.

Kinuha ko yun at umupo ako sa kama. Nakalagay ang mga salitang "To: Erica" sa taas so talaga ngang para sakin to. Pumikit muna ako ng mariin at pagtapos ng ilang sandali nagsimula na akong gumalaw para buksan ito. Isang brown na notebook na may kalumaan na ang tumambad sakin na may nakalagay pang note sa cover

'Umpisahan mong basahin sa likuran' it said

Binaliktad ko ang notebook at binuksan yun. I scanned the content at tama nga ang hinala ko. Isa itong diary.

Sinimulan ko nang basahin. Hindi ko alam kung bakit to pinapabasa sakin ni mama at parang napakahalaga sa kanya.

Entry #35. I'm so excited na magkakaroon na kami ng baby ni Joselito! Hindi ko alam kung matutuwa ba siya pero basta ako sobrang masaya! Napagdesisyunan ko na nga na hindi ako magpapa ultrasound dahil gusto ko ma surprise kapag nanganak na ako. (Pero sana lalaki) Hays, sana ito na yung sagot sa matagal ko nang ipinapanalangin..

Bahagya akong natawa but the last sentence caught my attention. Anong yung panalangin ni mama?

Entry #36. Nag away kami ni Joselito kagabi. Ang akala ko ikatutuwa niya yung katotohanan na buntis ako but it turned out na mas lumayo pa siya sakin lalo. Ano bang gagawin ko?

Dalawang beses kong binasa yung entry. Hindi ikinatuwa ni papa na buntis si mama at mas lumayo pa siya? Bakit? At anong ibig sabihin nung 'mas lumayo'? Nung mga panahon na to malayo sila isa't isa? Bakit?

Entry #37. Sorry kung medyo matagal kung bago ako makapagsulat sayo! Alam mo naman ang buhay buntis diary. Medyo mahirap lalo na kapag yung asawa mo hindi palaging nasa tabi mo. Mabuti na lang at mabait si Don Manuel. Nakalimutan kong ikwento na may asawa na yung amo namin na anak ng don. Masyado pa ngang bata. Hindi na ako gaano pinapagalaw dito sa bahay dahil malaki na ang tyan ko. Seven months na si baby, ganun din yung kay ma'am. Excited na ako. Sana maging magkaibigan ang mga anak namin..

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon