Chapter 11: Later

48.9K 820 52
                                    

Nakaalis na si Ma'am Veluz pero hindi pa din ako gumagalaw. Pakiramdam ko napako na ako dito sa kinatatayuan ko dahil naguguluhan talaga ako. Ang labo naman kasi niya eh. Bakit ba kasi ang bitch niya sakin? Pilit kong iniisip kung nakilala ko na ba siya at may masama kaming nakaraan pero hindi ko talaga maalala.

"Babe?" saka lang ako bumalik sa realidad nang marinig ang boses ni Derick. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sakin at halata sa mukha niya ang pag aalala "May problema ba?"

Hindi ako sumagot. Instead, humakbang ako palapit sa kanya at niyakap siya dahil sa tingin ko ito lang naman ang dapat kong gawin. Napapikit pa ako habang mas hinihigpitan ang paghapit sa leeg niya.

"Fuck, babe you're killing me again with your silence. Please please hindi ako magaling manghula so just tell me kung anong problema. Did she said something that upset you? Sinaktan ka ba niya? Tell me please wag ka lang manahimik dyan"

Paano ko sasagutin yung tanong na hindi ko naman alam ang sagot? Bakit nga ba ako nagkakaganito?

"Punta muna tayo ng CR" sabi ko na lang at hinatak na siya palabas ng classroom.

Nasa pinaka dulo yung CR ng babae kaya medyo mahaba yung lalakarin namin. Mula sa gilid ng mga mata ko nakikita ko na gustong gusto niya magtanong pero nagpipigil siya.

"Hintayin mo ako ah. Sandali lang to" sabi ko sa kanya bago pumasok ng banyo. Iniwan ko na din muna sa kanya yung shoulder bag ko. Luminga linga ako sa paligid at nung sure ako na walang nakatingin, I kissed him on the cheek.

I threw myself inside one of the cubicle. Sa totoo lang hindi naman ako naiihi o nakakaramdam na kailangan gumamit ng CR. Kaya lang ako nagpunta dito eh para makapag isip ako.

Bakit ganun sakin si Ma'am Veluz? Paano kung kausapin ko na lang siya ulit? Hindi kasi ako mapalagay sa ganitong pakiramdam. First year college pa lang ako pero may professor ng ayaw sakin. Ang hirap kasi eh. Ayoko ng ganito. Ayoko ng may bigla na lang magagalit sakin ng hindi ko alam ang dahilan.

May naramdaman akong parang tumulo sa braso ko. Doon ko lang na realize na umiiyak na pala ako. Agad agad pinunasan ko yung luha ko gamit ang sleeves ng uniform ko.

"Erica?" may tumatawag sakin na babae pero hindi naman ako pamilyar sa boses

"Erica nandito ka ba?" ako kaya ang tinatawag nun o may iba pang Erica?

"Erica Dela Serna!" sabi ulit nung babae sa mas malakas na boses. So ako nga yung tinatawag niya. Kinuskos ko yung mga mata ko ng panyo bago lumabas ng cubicle. May babaeng sumalubong sakin pero hindi ko kilala.

"Hinahanap ka ng boyfriend mo sa labas. Fifteen minutes ka na daw nandito sa loob" fifteen minutes?!

Napatingin ako sa relo ko. Oo nga, fifteen minutes na halos. Ang bilis naman ata eh parang kapapasok ko lang.

"Salamat ah? Tsaka pasensya na sa abala" yumuko ako ng kaunti sabay talikod na para lumabas.

Naabutan ko si Derick na naglalakad pabalik pabalik. Napahinto siya nang makita ako "What happened?" nilapitan niya ako kaagad

"Sorry" sabi ko sa mahinang boses

"Babe ano ba napag usapan niyo ni Veluz? Pag ikaw hindi nagsabi susugurin ko yun, hindi ako nagbibiro" I looked up to him at mukha ngang seryoso siya.

"Nakapag usap naman kami ng maayos pero naguguluhan ako. Wag mo na lang ako pansinin babe. Nag iinarte lang ako" ngumiti ako sa abot ng makakaya ko

Tinignan niya ako as if examining my face kung nagsasabi ba ako ng totoo. Pagtapos ng ilang sandali huminga siya ng maluwag.

"Babe, hindi ako makakasabay kumain sayo. Okay lang ba?" nagsimula na kami ulit maglakad. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante na nakakasalubong namin. Nung una nagtataka pa ako kung bakit then I realize na dahil yun sa pagdala ni Derick ng shoulder bag ko.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon