Chapter 6: Kiss

66.2K 988 70
                                    

"Paalis na ba kayo?" the question is for both of us. Derick curled his arms on my waist possessively sa hindi ko malamang dahilan.

"Yes. Kakain kami" siya ang sumagot sa tanong ni Minho. The other guy just smiled. Ngayon ko lang na realize na magkakilala nga pala sila. Pinsan ni Robie na ex boyfriend ko si Minho na nakilala ko nung camping sa Quezon na pinuntahan namin ng mga pinsan ko.

"Ay ganun ba? Sige una na kami at baka nakaka istorbo kami sa date niyo" he gave me a sideways grin at umakbay doon sa babaeng kasama niya na may naka plaster na ngiti. And she's looking at my boyfriend..

Nakaramdam ako ng inis. Alam ko naman na gwapo si Derick at dapat masanay ako na natural lang na may mag swoon sa kanya pero sana naman kapag hindi ako kasama di ba? Sana naman maisip ng mga babaeng tulad nito na nakaka offend yun sa part nung girlfriend.

"Hey, Erica okay ka lang?" Minho asked that snapped me back to my senses. Napatingin sakin na nagtataka si Derick pero tumango lang ako. Hindi ko napansin na nags space out na pala ako and making weird facial expressions.

"Oo may naisip lang ako" I said then may bigla akong naalala "Hey, ano nga pala ang nangyari sakin nung birthday ni Robie? Have I done something real stupid? Hindi ko kasi maalala but I know I got hysterical that night at ikaw ang huli kong kasama. Pag gising ko may bukol pa ako sa ulo. Saan ko nakuha yun?"

Hindi ko alam kung may nasabi ba akong hindi maganda dahil biglang nagbago ang emosyon niya. Nanlaki ang mga mata niya na para talagang gulat na gulat sa sinabi ko. So this means na may ginawa nga siguro ako nun..

"Uhm.. Well.. Habang nagwawala ka nun at inaagaw ko sayo yung baso, you fell of the stool at nauna ang ulo mo" pautal utal na sagot niya and laughed nervously. I felt Derick's grip on my waist became tighter. Shit, hindi ko nga pala sa kanya naikwento ang part na yun. Alam niya that Robie was engaged to be married kaya we're officially off pero hindi ko sinabi yung sa gender and the thing that happened in between.

"Ganun ba? Sorry talaga kung naistorbo kita nun" nahihiyang sabi ko and clung my arms to Derick.

Minho just smiled re assuringly. "Dont be. Di ba sabi ko nga nun I was the one responsible for the visitors? So dont worry about it. And anyway, bukod sakin naman wala nang nakakita nun"

Maybe later I should evaluate myself. I dont know what's wrong with me at naiisip kong something is not right on what Minho's saying. Wala naman siyang dahilan siguro magsinungaling but then hindi maalis sa isip ko na may hindi siya sinasabi sakin.

"Uhm.. Okay" yun na lang ang nasabi ko

Then there's a silence. Yung tipong kadalasan mangyari when you meet someone you barely know somewhere. After magkamustahan the conversation will be dead at mamamayapa ang katahimikan. Nakatingin ako kay Minho habang nakatingin din naman siya sakin. When I looked at Derick nakatingin din siya sakin. Yung babae naman nakatingin sa kanya.

"Aalis na kami. See you around, Valenciano" Derick was the one to speak up first after the long silence. Hindi niya na hinintay na makasagot si Minho. Inihahanda ko pa nga lang ang sarili ko sa pagpapaalam, nahatak niya na ako palayo.

"Babe, nagmamadali ka ba?" tanong ko sa kanya dahil ang bilis bilis namin maglakad

"Babe, may problema ba?"

"Babe?" what's wrong with him?

"Babe.." hala hindi pa din talaga kami humihinto! Ni hindi pa din niya ako nililingon man lang.

"Babe!" at dahil nga hindi niya ako sinasagot, tinaasan ko na ang boses ko. This time thankfully huminto naman na kami at nilingon niya ako. So now we're standing in the middle of the crowd

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon