Chapter 29: No Buts

44.9K 743 61
                                    

This is our fourth day here and so far everything's great! Madami na kaming nagawa like jetski, banana boat, snorkling. Nag golf din kami na tawanan lang halos ang nangyari dahil pareho kaming hindi marunong. Nag beach volleyball pa kami kahit na tanghaling tapat mabuti na lang nakapag sun block kami. Nakakapagod pero sobrang saya naman.

Sa totoo lang, kanina pa ako gising pero hindi lang ako dumidilat. Nag eenjoy pa kasi ako sa pakikinig sa mga sinasabi ngayon ni Derick. Ewan ko ba naman kung bakit kailangan niya akong kausapin habang tulog eh pwede naman niya yun gawin pag gising ako at magkaharap kami. Minsan talaga di ko din maintindihan ang lalaking to eh.

"You know what, I never thought that I'll love you like this too much.." he said sabay naramdaman kong hinalikan niya ang collarbone ko "Kaya sana wag kang mawawala sakin, huh? Alam ko naman na okay lang talaga sayo na wala ako sa tabi mo these past few weeks pero sana wag mong sanayin ang sarili mo sa ganun ha? Gusto ko nagde demand ka pa din ng oras ko. Ayokong palagi ka na lang nagpaparaya hanggang sa masanay kang wala ako. Hanggang sa pati yung pagmamahal mo sakin bigla na lang mawala"

Natutukso na akong dumilat pero pakiramdam ko may gusto pa siyang sabihin kaya nanatili pa din akong nakapikit. I want to tell him that I am more that okay sa set up namin. Oo, hindi nga kami palagi na magkasama gaya ng nakasanayan namin pero naiintindihan ko naman. Hindi ba nga ako pa ang pumilit sa kanya na i pursue ang pagkanta?

"Mahal na mahal kita babe. Itong lahat nang ginagawa ko para satin dalawa so please bear with me" hinalikan niya ako sa noo sabay naramdaman kong gumalaw siya maybe paharap sa kabilang side.

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at tumingin sa kanya. Nakatalikod nga siya sakin. I adjusted myself at yumakap sa kanya

"Kanina pa ako gising at dinig na dinig ko lahat nang sinabi mo" bulong ko sa kanya and kissed his earlobes. Nakapikit siya pero tumatawa

"Alam ko. Kaya nga kinakausap kita kasi alam kong gising ka naman"

"Ugh akala ko naman seryoso ka doon sa sinabi mo kanina" sabi ko na medyo nagtatampo. Dumilat siya at mahigpit na yumakap sakin

"Nagtatampo ka naman kaagad"

"Di naman. Slight lang"

Hinalikan niya ako sa ilong na hindi pa din nawawala yung tawa niya "Mahal na mahal na mahal kita. At hinding hindi ako magsasawa sabihin sayo yun"

Pagtapos ng ilang minutong kwentuhan nakatulog siya. Natawa pa ako dahil pinipilit niyang gising lang pero hindi na din naman niya nakayanan. I am too busy na isiping mag enjoy kami sa bakasyon na to pero hindi ko naman kinonsider na nitong mga nakaraan grabe din ang pagod niya at duda pa ako kung sapat ang tulog niya dahil anong oras na siya madalas kung umuwi.

Hindi na ako inaantok kaya bumangon ako para maligo and dressed up. Nag iwan ako ng note sa bed side na lalabas ako and will be back before lunch. Hindi na ako nag abalang gisingin siya dahil mahimbing ang tulog niya.

"Di ba si Derick Lusterio yung nasa room 421?" napatigil ako sa pagsasalita nung marinig ko ang pangalan ni Derick. Tumingin ako sa paligid na medyo kinakabahan dahil baka may nakasunod samin but then nakahinga ako ng maluwag nang makita kong mga staffs nitong resort ang nagsabi nun doon sa mga kakwentuhan niya na staffs din

"Oo. Ang gwapo noh? Kaso sayang may girlfriend na eh" bakas sa boses nung isa na nanghihinayang talaga siya. Umiling pa at pinalungkot ang mukha niya

"Maganda din naman yung girlfriend niya tsaka mukha talagang nagmamahalan sila kaya maging masaya ka na lang para sa kanila Chinee. Anyway may Minho at Anden pa naman" hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa usapan nila pero mas pinili ko na lang matuwa. Umupo ako sa couch na malapit lang sa kanila at kumuha ng magazine na kunwari babasahin ko pero ang totoo gagamitin ko lang na pang takip ng mukha ko at makapakinig sa kanila

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon