SPECIAL CHAPTER (1)

70.7K 1.6K 171
                                    

SPECIAL CHAPTER (1)


"Theyn, no." seryoso niyang sabi. Bigla naman akong nalungkot. Ilang beses ko na sakanya 'tong sinasabi pero lagi niya akong tinatanggihan. Hindi niya ba alam na kada no niya nasasaktan ako?

"Anim na buwan na tayong kasal, Kent. Pati pamilya ko nagtatanong kung kailan tayo magbe-baby. Lagi na lang akong nagdadahilan. Minsan nga ayaw ko nang bumisita sa amin at nahihiya ako sakanila!" naiinis kong sagot.

"Hindi mo kakayanin ang manganak, Theyn. Ayokong mawala ka sa akin!" sagot din niya sa akin at halata na ang irritasyon sa boses niya. Ilang beses na namin 'tong pinag-aawayan at pati ako napapagod na rin sa issue na 'to.

"Gusto ko nang magkaanak, Kent. Hindi mabubuo ang womanhood ko kung hindi ako magsisilang ng baby!" mangiyak-ngiyak kong sabi sakanya. I tilted my head upwards para hindi tumulo ang luhang gustong kumawala sa mata ko.

"Mamamatay ka kapag nagkaroon tayo ng anak!" he snapped. Natigilan naman ako. Lagi niyang sinasabi sa akin na it's dangerous for me to conceive a baby. At ngayon ko lang narinig ang totoong dahilan niya. Inaamin ko natakot ako. Kung magkakaanak kami at mawawala naman ako, parang wala rin naman kasi hindi ko maalagaan ang anak ko.

"W-wala ba tayong magagawa? Diba tao rin naman dati si Lorelei?" kalmado na ang boses ko.

He doesn't say anything. It was my cue to turn around.  Umalis ako sa terrace at pumasok sa kwarto namin. Naupo ako sa kama.

After nang honeymoon namin ni Kent sa Japan, Monte Carlo, and Santorini, Greece—ay lumipat na kami ng bahay. Ayaw niyang tumira sa Hillside na mag-asawa na kami kaya bumili siya ng isang Villa sa isang Probinsya. Maliit na municipality lang siya at tahimik lang kaming namumuhay kasama ang mga bodyguards na kauri ni Kent. Madali lang naman para kay Kent ang bumyahe back and fort from here to work kaya ayos lang daw sakanya. Ako naman nagbabalak na magtayo ng Clinic sa bayan bilang Psychiatrics. Ayaw ko naman kasing maburo sa bahay namin at maghintay na umuwi siya.

Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin patagilid. Alam kong nalulungkot siya kasi nag-aaway nanaman kami.

"Gagawa ako ng paraan." Hinalikan niya ulo ko. Tumango lang ako sakanya. Okay na kami alam ko. Hindi niya 'ko kailangang lambingin. Ramdam ko naman na he's sorry. Hindi ako nagmamatigas pagdating kay Kent.


The next morning, I receive a text from Florence at niyayaya akong mag-shopping. Agad din naman akong um-oo kasi wala si Kent nasa work at wala akong gagawin dito sa bahay. Ginagawa pa lang kasi 'yung clinic ko so hindi pa ako makakapagsimula.

Nagpahatid ako sa driver papunta sa City. Sa isang mall naghihintay si Florence. Nagtext naman ako kay Kent at nagpaalam na magba-bonding kami ni Florence. 'Buti nga at pumayag siya.

"Kumusta ang buhay may asawa?" tanong niya habang naghahanap kami ng damit na puwedeng mabili. Kahit wala naman akong balak bumili ay pumipili rin naman ako para malibang.

"Ayos lang," tipid kong sagot.

"Hmm," nagulat na lang ako nang ipakita niya ang kamay niya. She was wearing a princess cut white gold ring.

"H-he..." I said trying to control my shriek.

"Yes!" masaya niyang sabi.

"He proposed! Migo proposed!" I burst out. Sa sobrang saya namin ay magkahawak kamay kaming nagtatalon at hindi mapigilan ang mapatili.

"Yes! Last night!" mangiyak-ngiyak niyang sabi. Natutuwa ako para sakanya. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Flo ngayon kaya sobra talaga akong masaya para sakanya.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon