Chapter Forty-Two

55.6K 1.3K 35
                                    

Play the music for this chapter. At the multimedia. :)) Thinking out loud by Ed Sheeran

Chapter 42

“ATE, eto pa, oh. Naiwan sa plastic.” Inabot sa akin ni Mica ang rectangular box na nababalot ng gift wrap. Inilagay ko ito sa ilalim ng malaking Christmas na ginawa namin sa last week dito sa mansion nila tatay. Bisperas ng pasko at dito namin naisipan na icelebrate ang Christmas.

“Saan pala si Haril?” tanong ko saka ko pinailaw ang Christmas lights.

“Nasa kusina po, tumutulong kay Tita Shaila mag-luto.” Tinanguan ko lang si Mica saka ko kinuha ang phone ko.

Tatlong araw na akong nakalabas sa hospital pero wala pa akong balita kay Kent. Bisperas na nang pasko pero wala pa rin siya. Hindi ko tuloy alam kung ano na. Galit ba siya sa akin? Ayaw na niya?

“Anak,” naramdaman kong inakbayan ako ni tatay saka kami parehong nakaharap sa malaking Christmas tree.

Katahimikan lang ang namagitan sa amin habang pinagmamasdan ang nag-iiba-ibang kulay ng Christmas lights.

“Naaalala ko pa no’ng unang pasko na magkasama kami ng mama mo. Wala kami noong handa pero masaya kami. Hindi ko man lang sakanya naparanas ang magkaroon ng Christmas tree sa bahay. Napakalaki ng pagkukulang ko sa inyong pamilya ko.” Sabi ni tatay. Parang kinurot ang puso ko. Masakit na hindi man lang namin napasaya ang nanay. Oo napatawad ko na si tatay, pero nakakapanghinayang pa rin.

“Masaya na ang nanay kung nasa’n man siya ngayon, tay. At alam kong napatawad ka na rin niya.” Nasabi ko na lang.

“Salamat, anak, ah? Napatawad mo ako.”

“Tay, kalimutan na po natin ang nakaraan. Ang importante ay ngayon.” Nginitian naman ako ni tatay. Nakita kong kumikislap ang mga mata niya at parang maiiyak.

“Napaka-swerte ko at nagkaroon ako ng anak na katulad niyo ni Haril at Mica.” Hinawakan ni tatay ang kamay ko at pinisil ‘yon. “At sobrang saya ko na napakabuti ng mamanugangin ko sa’yo.”

“Po? Ano pong ibig niyong sabihin?” naguguluhan kong tanong. Tumingin si tatay sa likod ko kaya napasunod ako.

Medyo nag process pa sa utak ko kung sino ang nasa unahan ko ngayon. It was Kent. He was wearing a white polo shirt and rugged jeans matched with gladiator sandal. Napakagwapo niya talaga kahit kailan at hindi ko pa rin mapigilan ang hindi humanga sa kakisigan niya.

Narinig ko si tatay na nagpaalam na aalis muna para mabigyan kami ng oras para mag-usap.

“Theyn,” napakislot ako nang banggitin niya pangalan ko. Sobra ko siyang namiss. Gusto kong tumakbo para sugurin siya ng yakap pero naunahan niya ako. Mabilis siyang nakapunta palapit sa akin at agad kong nalanghap ang pabango niya.

His two cold hands cupped my cheeks at pinagdikit niya ang noo namin.

“I missed you so much! I almost went crazy thinking how could I get you back. Hindi ko na ulit hahayaan na gawin mo ‘yon.” She said. Napapikit lang ako habang dinadama ko ang haplos niya sa pisngi ko.

“I’m sorry, Kent. I’m really, really sorry.” Tumingin ako sa mga mata niya and longing for me is very evident on his eyes.

“Shhhhh, it’s okay. Everything’s going to be okay. Trust me.” he said kaya napatango ako sakanya.

Niyakap niya ako ng mahigpit at sumubsub lang ako sa dibdib niya. Ang sarap makulong sa bisig niya. Kung sa ganitong paraan ako makukulong, mas gusto ko pang maging preso para habangbuhay akong nasa bisig niya.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon