Chapter Fourteen

79.3K 2K 124
                                    

Chapter 14

        12 Midnight. At hindi pa din ako nakakatulog. Alas kwartro darating ‘yung sundo nila Haril at Mica kaya kailangan gising din ako sa oras na ‘yan para maihanda ko sila ng pag-kain. Pero pa’no ‘yon mangyayari kung heto ako at mulat na mulat pa ang mga mata.

        Hindi ko na kasi maintindihan ang mga kinikilos ni Sir eh. One second he’s cold, another second he’s confusing.

        Oo confusing. Ginugulo niya ang tahimik kong buhay. Kahit pagtulog ko apektado na! Kung bakit kasi pinagsiksiksikan niya na hindi niya ako type tapos siya tinatanong kung bakit hindi ko siya type. Ano’ng klaseng lalaki siya? Ang gulo niya promise!

        Tapos hinalikan niya pa ako. Gosh! Here we go again. Naalala ko nanaman. Why on earth he kissed me? What for? Hindi ko tuloy alam kung may mukha pa akong maihaharap sakanya bukas—or should I say mamaya kasi medaling araw na din naman.

        Sinubukan kong pumikit pero nakita ko bigla sarili k na kahalikan si Sir kaya agad din namang napamulat mata ko.

        Siya ang first kiss ko. Obvious ba?

        Bumangon ako at pumuntang salas. Binuhay ko ang TV para manuod at para pampaantok na din. Pero agad ko namang pinatay kasi walang magandang palabas. Kung pwede lang simigaw. Ni wala man lang akong mapagsabihan nitong iniisip ko. Kahit naman ako may kaibigan, hindi ko naman sakanila masabi ang tungkol dito dahil tutuksuhin lang nila ako.

Bumalik ako sa kama ko at nahiga. Nakatulala lang ako ceiling na animo’y may interesado akong makikita do’n.

Dumaan ang oras hanggang sa mag alas tres y media ng medaling araw. Bumangon ulit ako para magluto ng agahan sa dalawa. Pumasok ako sa kwarto nila at narinig kong tumutunog ang alarm ni Haril. Napangiti tuloy ako. May alarm-alarm pa siyang nalalaman eh hindi naman gumigising.

“Haril, gising na.” tapik ko sakanya. Gumalaw lang siya ng konti saka bumuka ang mata.

“Si Mica?” antok niya pang sabi.

“Tulog pa. Gisingin mo na din. Inom muna kayo ng mainit na gatas bago maligo saka kayo mag-agahan.” Sabi ko bago ako pumuntang kusina.

Mga quarter to 5 ata nang marinig ko ang busina ng kotse. Handan na naman sila Haril at Mica.

“Mag-iingat kayo do’n.” bilin ko bago ko sila hinalikan sa noo. Mabuti na lang at ok lang kay Mica na hindi ako sumama.

Pagkaalis nila, naligo na dina ko tapos kumain. Ok na gamit ko. Pero 7 AM pa naman daw kasi ang alis naming kaya hindi ako nagmadali.

Tuyo na man lamang ang aking buhok at hindi pa nagse-7. Nakaramdam na tuloy ako ng antok. 6:25 pa lang naman. Kahit 15 minutes lang na idlip ok na ako.

-=-

Nagising ako dahil sa malakas na ugong. Napakusot-kusot tuloy ako ng mata. Kaya laking gulat ko na lang na makitang nasa loob na ako ng eroplano.

“Ano’ng—“

“Good morning to you, too.” Sabi ni Sir. Hindi ko maintindihan kung bakit nasa private jet kami gayong bumili naman ako ng ticket.

“S-sir…” siya kaya nagbuhat sa akin papunta dito? Gustong gusto kong magtanong pero natatakot ako. O mas medaling sabihin na nahihiya.

Hindi nagtagal bumaba din ang eroplano. Hindi naman ako nahilo o ‘yung sinasabi nilang jetlag. Pero siguro dala ng kulang sa tulog kaya masakit ulo ko. Sumakay kami sa isang Van. Hindi ko alam na may men in black kaming kasama. Sabagay, isang VVIP ‘tong kasama ko.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon