Chapter Thirty-Seven

55.7K 1.4K 119
                                    

A.N: Hindi ako makatulog. Ang lakas pa ng hangin pati ulan. Haay naku Ruby! Panira ka ng moment! Date ko bukas hindi matutuloy! tsk. Ingat kayo guys ah. Signal number 2 dito sa amin sa Camarines Sur TT__TT Mabuti nga at may kuryente.

Theyn and Ivo at the right side. Mornigh! ^____^

Chapter 37

Pakiramdam ko hapong-hapo ang katawan ko. Ang daming nangyari ngayong araw. Ngayon ko lang nga na-realize na sobra akong napagod simula no’ng maging kami ni Kent. Hindi sa pagmamahal ko sakanya, kundi sa mga bagay-bagay na nangyari sa amin.

Pagbaba ko sa jeep, nakita kong may nakaparadang kotse sa harap ng bahay namin. Hindi ko kilala kung kanino ang kotse na ‘yon kaya agad akong pumasok sa bahay. Medyo nakaawang ang gate namin kaya derederetso na akong pumasok hanggang loob ng bahay.

“Haril, may bisita ba tayo? Kanino ‘yung—“ natigilan ako nang makita ko kung sino ang kasama nila Haril. Ang tatay. May pancit canton, fried chicken, at coke sa center table.

“Ate, huwag kang magagalit kay tatay. Ako ang nagsabing dalhan niya kami ng pagkain.” Maagap na sabi ni Haril. Bigla naman akong nakonsensya. Masyado ko na bang napabayaan ang mga kapatid ko? Naging iresponsable na ba akong kapatid?

“H-hindi ako galit,” walang gana kong sabi. Wala akong lakas para magalit pa o makaramdam ng kung ano-anung emosyon.

“A-anak, kumain ka muna.” Napatingin ako sakanya. Nag-aalangan ang mukha niya. Si Haril at Mica naman ay parang hinihintay akong mag-salita. Napabuntong hininga na lang ako. Walang dahilan para tanggihan ko sila. Besides, gutom na rin naman pala ako hindi ko lang napapansin dahil sa nangyari kanina.

Nakita kong pinagsalin ako ng pancit ni tatay at nilagyan naman ni Mica ng chicken wings na alam niyang paborito ko.

“Kumain ka ng marami, anak. Pagod na pagod ka ata.” Sabi ni tatay. Inabot niya sa akin ang plato na may lamang pagkain. Tiningnan ko lang ito.

Pilit kong kinakapa ang galit na nararamdaman ko sakanya pero wala akong maramdaman. Hindi dahil sa nasuhulan niya ako nitong pancit. Nitong mga nakaraang araw na puro kay Kent ang attensyon ko kaya napapabayaan ko na ang dalawa kong kapatid. Pero hindi naman pala kasi sundo at hated sila ng tatay. Hindi ko nga alam kung pati pagkain nila sa tanghalian ay ang tatay na rin gumagasto. Masyado akong pre-occupied kay Kent at nakakalimutan ko na ang mga kapatid ko.

“Salamat,” sabi ko pagkaabot ko sa plato. Nakita kong may ngiting sumilay sa labi ni tatay kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

Habang kumakain ako, si Mica naman ay masayang-masaya na nagke-kwento sa tatay tungkol sa mga nangyari sa school niya.

“Anak, kumusta ang trabaho?” tanong ni tatay.

“Okay naman po.” Simple kong sagot.

“Weekend bukas, gusto mo bang mag-family dinner? Nasa Taiwan kasi si Shaila.” Sabi niya pa. I should say no. tanggihan ko dapat siya kasi binibigyan ko siya ng chance na pumasok ulit sa buhay ko. Pero ayaw ko ring magpanggap na hindi ko pa siya napapatawad. Hindi pa siguro buo, pero may parte na sa puso ko na tanggap ko na siya.

“S-sige,” sabi ko lang. gulat silang tatlo. Pero halata naman na masaya sila.

Hating gabi na at umalis na rin ang tatay. Ang dalawa kong kapatid ay tulog na ako at heto ako sa labas ng bahay. Nakatingala sa langit kahit walang bituin. Ang dami kong iniisip at hindi ako makatulog.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon