Epilogue

58.6K 1.2K 46
                                    

Ang setting po nito ay before Christmas after makalabas ni Theyn sa hospital right after nung confrontation ni Cassey ans Theyn sa hospital.

 

Epilogue

Ivo’s POV

“What’s your poison, Miss?”

“Scotch on the rocks! Make it double with a twist!” maarteng sabi nang katabi ko sa bar counter kaya napatingin ako. Nagulat pa ako na makita siya dito. Ano ang ginagawa ng isang heredera dito? Maglalasing kasi heartbroken?

“Cassey?” napatingin naman siya sa akin at doon ko napagtanto kung gaano kakapal ang make up niya sa mata. As if she was hiding something. Alam kong nagulat din siya na makita ako dito.

“What are you doing here?” I asked.

“I should be the one asking you that.” Walang gana niyang sabi.  “What are you doing here?” Nakataas nanaman kilay niya at hindi man lang natatakot sa akin. Isn’t she aware that I am a vampire?

“Just want to forget someone,” itinaas ko sakanya ang brandy glass na may laman na dugo na idinagdag ko kanina sa alak.

“Really? What a coincidence. Me too,” she sarcastically said. “At talagang pinagtagpo pa tayo ‘no?” natawa siya ng pagak.  “Ano ‘to, reunion of losers?”

“Gano’n ata talaga.” Kibit ko.

Dumating ang inumin niya at nagulat ako kasi puro strong drinks ang iniinom niya. Ang lakas pala ng sistema niya sa alak. Para ngang hindi nalalasing. Pero alam kong may tama na siya medyo nagda-drama na at hindi na gaanong nagtataray.

“All I want… in life is to be… happy! To be loved… by someone. And that someone is Keeent!” kinuha nanaman niya ang shot glass saka nilagok. Napapikit siya at pinunasan ang mantsa ng alak sa gilid ng bibig niya. I thought it was sexy. Ugh! I immediately shook my head with the thought.

“Tama na, Cassey. Lasing ka na.” sabi ko pero binalewala naman niya.

“You… don’t tell me… what to do… vampire man!” dinuro-duro niya pa ako. I am so thankful na malakas ang sounds dito sa bar at baka may nakarinig pa sa sinabi niya.

“Maglalasing ka na lang ba? Matatakasan ba noon ang sakit?” seryoso kong sabi. Iniba naman niya tingin niya.

“Hindi mo matatakasan ang sakit. But atleast mawawala siya kahit ilang oras lang, diba?” may lumabas na luha sa mga mata niya. She was hurting. Parang gusto ko siyang yakapin. Pero ang isang tulad ko na nasasaktan din ay walang karapatan na i-comfort ang kagaya niya. We’re the same.

Kung ano-anu pa ang narinig ko kay Cassey bago ko siya napilit na ihatid ko siya. Ako na nagdrive ng kotse niya at baka mamaya ibangga niya pa.

“Where do you live?” I asked her. She keeps on mumbling pero hindi ko naman maintindihan. As if she was chanting ancient words.

“Someday, someone’s gonna love meeee~” nagulat ako nang sinabayan niya ang kanta sa stereo. Sintunado na nga wala pa sa tono. Parang hindi ko na makakausap ng matino si Cassey kaya pinakialaman ko na ang phone niya. At napag-alaman kong sa pent house pala siya nakatira.

I park her car in front of the hotel. I looked at her and she’s a complete mess. Hindi ko siya puwedeng iaakyat papuntang pad niya na ganito ang ayos niya. Alam kong ikakahiya niya ang gagawin niya kapag bumalik siya sa huwistyo.

“The way, I wanted you to—“ pinatigil ko siya sa pagkanta dahil ang sakit sa tenga ng boses niya. Siniil ko siya ng halik. I didn’t move my lips kasi smack lang ang plano ko. But my lips involuntarily moved and feel the softness of her. Nakapikit lang siya at hindi ginagalaw ang labi niya. Tulog ba siya? Pero nagulat ako nang ilagay niya kamay niya sa batok ko. She opened her mouth and welcomed me warmly.

“Mmm, Kent.”

I stopped. What am I thinking? Pinagsasamantalahan ko ang babaeng mahina at lasing. This is wrong. So wrong.

Agad akong lumayo sakanya at inayos ko ang upo ko. Nakita ko naman siyang gumalaw at minulat ang mga mata.

“Nanghihina ako.” Sabi niya. And I know just what to do. I hugged her saka ko siya isinama sa pagteleport ko papunta sa pent house niya.

“Woah!” she said nang makarating kami dito. Inalalayan ko siyang tumayo saka ko siya pinaupo sa couch niya.

Her pent house is amazing. Unisex ang design and structure ng loob kaya puwedeng babae o lalaki ang tumira.

“Your pent house is quite breath taking,” pumunta ako sa terrace at mas lalong natuwa sa nakita. “You have the most beautiful view.” I commend. Ang condo ko kasi ay kaharap ang another condo kaya wala kang makikitang kanais-nais unless kung gusto mong makakita ng live show sa bintana. If you know what I mean.

“I’ll get rid of this pent house as soon as I move to Colorado.” Sabi niya. Parang bumalik na siya sa huwistyo niya.

“Talaga? Sa akin mo na lang ipagbili.” Sabi ko. Mas maganda rito. Kita mo ang buong ciudad. Mag-isa ka sa taas at puwede mong magawa ang gusto mo.

“Okay. 13.5M. Afford mo?” panghahamon niya.

“Deal.” Hindi ko tatanggihan ang offer. I was thinking na 20M ang cost nito pero siguro masyado lang desperado si Cassey na mawala ang mga pag-aari niya sa Pilipinas kaya binaba niya ang presyo.

“You can contact my secretary.” Tumayo siya at pupungay-pungay ang mata. “Sakanya ka makipag transact. I’m going up stairs. I’m so sleepy.”

Pupunta siya sa Colorado para makalimot? Sana nga makapag move on siya. She deserves someone better.

And me? I’ll just stay here… while mending my broken heart.

THE END!

Xxx

Author’s Note:  See you in Cold Fangs. ^_^

 

-Ate Thy

Copyright © 2015 by Thyriza. All rights reserved.

No part of this book may be replicated, redistributed, or given away in any form or by any electronic or mechanical means, without the prior written consent of the author.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

NO SOFTCOPY | NO SOFTCOPY | NO SOFTCOPY | NO SOFTCOPY

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon