Chapter Twenty-Two

78.2K 2K 228
                                    

Chapter 22

Matagal bago nag sink in sa akin ang sinabi ni Sir. Pakiramdam ko isang napakagandang panaginip ang nangyayari sa akin ngayon. Ayon nga sa kanta ni Cris Brown ‘Dearly beloved, if this love only exist in my dream, don’t wake me up’. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa panaginip na ganito? Nasa ibabaw mo ang boss mo at kanina lang hinalikan ka. Talaga namang mapapakanta ka with high pitch.

“Theyn, gumising ka na. Masyado ng maganda ang panaginip mo.” Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin pa din kay Sir. Natatakot akong baka bigla na lang siyang maglaho at kagaya sa panaginip eh magising ako.

“This is not a dream. You are living the reverie, Theyn. I love you. Noon pa naman mahal na kita. You believe me, don’t you?” hinaplos ni Sir ang gilid ng pisngi ko dahilan para makiliti ako. Syempre pa-demure kunwari kaya hindi ako humagikhik. Baka kasi masira ang moment eh.

“Bakit ako, Sir? Ang daming babae na mas maganda at mas sexy kesa sa akin. Bakit ako?” kita kong ngumiti lang siya sa akin at parang tuwang-tuwa sa tanong ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako na ako natipuhan ni Sir. Hindi ko lang talaga lubos maisip na ang pang wo-work under pressure niya sa akin at ang pangbubulyaw ay pagmamahal para sa sakanya.

“Maganda ka, Theyn. Believe me you are the most beautiful woman for me. Kapag sinabi ko sa’yong sexy ka, iisipin mo katawan mo ang habol ko sa’yo which is not kasi hindi naman ‘yon ang nakikita ko sa’yo. Your patience that you have given me is the first reason why I fell in love with you. Hindi ko akalain na may tatagal pala sa pangit kong ugali. Sa dalawang taon na nakasama kita, wala akong ibang ginawa kundi ang pakitaan ka ng masasamang bagay. I know that sorry is not enough for all those terrible things I did to you. But, if you give me a chance to prove that I dearly love you—I will be the happiest man in the world.” Natulala lang ako. Si Sir Kent ba talaga itong nasa harapan ko ngayon? Noong na-realize ko na mahal ko siya, kahit kailan hindi ko inisip na sana mahal niya rin ako. Never in my wildest dreams na isang araw magtatapat sa akin ang boss kong mainitin ang ulo.

“Are you proposing, Sir?” hindi ko mapigilang tanong. Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang saya.

“Yes. Definitely. Simula ngayon, kung papayag ka—girlfriend na kita. And I’ll be your boyfriend slash suitor. I’m going to court you forever, Theyn.” Para akong nalulunod sa mga salitang binibitawan ni Sir. First time ang may magtapat sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Gusto ko din itanong kung kailan niya ako umpisang nagustuhan at kung bakit hindi niya agad sinabi. Pero ayaw kong pangunahan si Sir. Kahit alam kong mahal niya ako, hindi pa din maaalis sa akin na boss ko siya at kailangan ko pa din siyang irespeto.

Kinabukasan agad kaming sumakay sa private jet ni Sir para makauwi na daw sa Manila. Alam kong madaming naghihintay na trabaho kay Sir pati na din sa akin. Ngayon ko lang naisip na baka maging awkward kami ni Sir sa opisina. Alam kong magugulat ang lahat kagaya na lang ng mga bodyguards ni Sir na parang kating-kati na silang itanong sa akin kung bakit nakaakbay si Sir sa akin pababang eroplano.

Ipinagbukas ako ni Sir ng pinto para makasakay ako sa kotse. Sa office ata kami ngayon dederetso kami hawak na ni Sir ang suitcase niya at may kausap na agad siya sa phone.

“I’ll be there in 15 minutes. Ikaw na bahalang mag interview. I trust you with these.” Rinig kong sabi ni Sir. Wala naman akong imik at nakatingin lang sa labas. Ang totoo niyan ay inaantok pa ako. Hindi naman ako nakatulog ng maayos kagabi eh. iniisip ko pa din ‘yung mga pangyayari kahapon.

Nagulat pa ako nang iliko ni Sir ang sasakyan sa daan papunta sa amin. Saan pa kaya kami pupunta eh wala namang shortcut dito. Huminto ang sasakyan sa harap ng bahay.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon