Chapter Thirteen

77.6K 2.1K 158
                                    

Chapter 13

“Salamat po sa paghatid, Sir.” Sabi ko nang makauwi ako galing sa lamay.

“Pasok na. It’s getting cold.” He said without even looking at me.

“O-ok po.” Patakbo kong tinungo ang gate naming at agad na binuksan ang pinto. Malamig nga ang panahon pero ang init nang pakiramdam ko. Binabanas ako kahit may hangin na pumapasok sa bahay.

“Ate.” Tawag sa akin ni Haril.

“Oh, bakit gising ka pa?” tanong ko.

“May pumunta po dito kanina. Ang sabi sila daw ang makakasama naming sa Palawan. Totoo po ba ‘yon ate?” tanong sa akin ni Haril. Oo nga pala. Hindi ko pa sakanila nasasabi na hindi ako ang makakasama nila sa Palawan.

“Pamilya ‘yon ni Sir. Si Ma’am Lorelei at Sir Hunter. Mga pamangkin ni Sir.” Sabi ko.

“Ay opo. Pero nakakapagtaka ate, Mama ang tawag no’ng si Kuya Hunter kay Tita Lorelei.”

“Baka naman namali ka lang sa pandinig.” Sabi ko.

“Maiiwan po ba kayo dito habang nasa Palawan kami?”

“Hindi. Pupunta daw kami sa Batanes.” Sabi ko.

“Bakit naman gano’n, ate? Baka hindi ok kay Mica?”

“Haril, trabaho ko ‘to. Mag-iingat kayo do’n ha? Sa byernes na kayo aalis. Tsaka mababait naman ata ang pamangkin ni Sir Kent, diba?” kahit naman hindi ko pa nakikilala ang mga pamangkin ni Sir, alam kong mabait sila. Hindi ‘yon papayag na samahan ang kapatid ko kung hindi.

“Opo, ate. Ikaw din mag-iingat ka do’n.”

Pagkatapos kong magbihis, agad akong nahiga sa kama ko. Pakiramdam ko latang-lata ang katawan ko. Nakakapagod ang araw na ‘to. Kung pwede nga lang na hindi pumasok muna bukas pero hindi pwede. Ang dami ko ng bad record kay Sir at sa tingin ko, isa pang maling gawa at masisisante na niya ako.

For me, miracles happened kapag maaga akong nagigising kahit hindi maayos ang tulog ko. At ngayon, nagawa ko pang ipagluto ang dalawa kong kapatid ng breakfast nila. I took a quick bath saka ako nagbihis. Nag-iwan lang ako ng pera at note sa mesa saka ako umalis.

Masyado pang maaga pero ayaw kong ma-traffic ngayon kasi ang dami talagang trabaho ang naghihintay sa akin. At least sana mabawasan siya bago kami pumuntang Batanes bukas.

After kong mag time in, agad akong umakyat sa 21st floor. Wala pa si Sir. Mas mabuti na din ‘yon para maayos ko na ang dapat tapusin. Na-confirmed ko na din ‘yung flight to Batanes. I already printed all the business letters and other business stuffs.

“You’re early.” Napaangat ako nang tingin. It was my boss. Looking smart and handsome with his Armani suit and of course—his infamous poker face.

“Good morning, Sir.” Bati ko.

“What are my appointments for today?” he asked saka pumasok sa office niya—a cue na sumunod ako.

Dala-dala ang Note-taking tablet saka ako sumunod sa boss ko. Umupo agad siya sa swivel chair niya saka ni-on ang kanyang laptop.

“To start your day, Sir. You’ll have a skype-meeting with the Norway project at 8:00 AM. At 10:30, you’ll be expecting a meeting with Ms. Aragon—babalik siya for your approval of her proposed projects. Then sa hapon I was advised na may pupuntahan kayo sa isang lugar with an acronym of VC. It says you already knew about it. That’s all for today, Sir. Kasi bukas aalis na tayo papuntang Batanes.” Sabi ko. Nakahinga ako ng malalim matapos kong sabihin ang lahat.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon