Chapter Ten

69.9K 2K 151
                                    

Chapter 10

Isang babae natagpuang lumulutang sa estero—Patay!

“Na-kumpirma ba?” tanong ko kay Jean. Matamlay naman siyang napatango. Pati ako biglang nanghina. Hindi ko mapigilang hindi maiyak.

“Sino kayang walang awa ang pumatay kay Cindy! I swear to god I’ll straggle him to death kapag nahuli siya!” galit na galit na sabi Florence. Pati din naman ako, baka nga hindi na siya umabot sa kulungan at mapatay ko agad siya.

Kalat na din sa buong opisina ang sinapit ni Cindy. Kahapon ko siya huling nakausap at nagpaalam siya no’n kasi nga magreresign na siya.

“Laslas daw ang leeg niya. Pero nakitaan din ng dalawang turok sa pagitan ng hiwa. Nagdududa daw ang mga polisya na parang may kung ano daw na tinurok sa leeg niya bago ‘to nilaslas para palabasin na ‘yon ang dahilan ng pagkamatay niya.” Dagdag pa ni Jean. Napahilamos na lang ako sa mukha. Nakakakilabot ang sinapit si Cindy. Parang hindi ko maatim na gano’n ang nangyari sakanya.

“Ms. Torres.” Napalingon kaming tatlo nang tawagin ako ni Sir. Tumingin ako kay Jean at Florence saka naman sila tumango.

Sumunod ako kay Sir na pumasok sa elevator. Nakayuko lang ako dahil ayaw kong mahalata niya ang namumula kong mga mata dahil sa kakaiyak kanina.

“Condolence—sa kaibigan mo.” Sir said. Napaangat ako ng tingin at nakita kong deretso lang ang tingin niya sa pinto ng elevator.

“Empleyado niyo siya, Sir.” Nasabi ko na lang bigla. Medyo nainis kasi ako. Ah siguro kasi sensitive lang ako ngayon.

“Former.” He said. Napayuko na lang ako. Oo nga pala, nagresign na si Cindy. Haays. “H’wag mo na munang isipina ang mga gano’ng problema dahil may mas importante akong ipapagawa sa’yo.” He said.

“Mas importante pa po sa pagluluksa ko sa kaibigan ko?”

“Unfortunately, yes. Mas importante sa kaibigan mo.”

“And what is that, Sir?”

“Our flight to Palawan. Sa Friday na ‘yon, remember?” Ay Oo nga pala, dalawang araw na lang aalis na kami.

“Sige po, Sir.”

“How about your siblings? Do they know about their little getaway?”

“I already told them, Sir.” Sabi ko saka naman siya tumango-tango.

“We’ll stay there for 3 days. Have a 2 room reservation. For your siblings—and for us.”

“Alright sir— Ano po?!” For us? Para sa amin. ‘Yon din ba ang pagkakaintindi niyo? Kasi kung nabibingi na ako, pwede niyo akong upakan para matauhan. Kung ano-ano na lang naririnig ko.

“For us with connecting room. Didn’t I tell you that?”

“A-ah. hehe. Oo nga pala. C-connecting room—for us.” Sabi ko kahit wala naman akong naalala na sinabi ‘yon ni Sir. Baka nakalimutan ko lang kaya gano’n.

“Mamaya…”

“Yes, Sir?” hinintay ko siyang mag-salita muli pero napailing na lang siya. Nagtatakang tinignan ko siya. Aalis na sana si Sir pero huminto siya.

“Pupunta tayo sa lamay nang ‘yong kaibigan.” He said without looking at me. Napatango na lang ako sakanya. Atleast pala may sympathy naman ang Sir ko.

“Sige po. What time, Sir?”

“After your work. Just remind me. ok?” he said saka tuluyang lumabas ng office.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon