Chapter Thirty-Three

53.4K 1.8K 111
                                    

Chapter 33

“Ano ang gusto mo? Sa iba pa niya malaman? Sa palagay mo ikakatuwa niya kapag sa iba pa nanggaling ang tinatago mong sikreto?”

“Shut up! Shut up! Shut up!”

“You can make me shut up, Kent. But always remember this, walang sikretong hindi nabubunyag. Don’t think that I care for you. I cared for her. That’s all.”

Hindi ko alam kung paanong nakalabas akong building. Pero kusa akong tumakbo nang marinig ko ang pinagsasabi ni Ivo.

Ano bang sikreto ni Kent na kailangan kong malaman? Niloloko niya ba ako? Bakit hindi niya masabi? Masasaktan ba ako kaya ayaw niyang sabihin? O hindi niya ako kayang pagkatiwalaan para sabihin niya sa akin ang kanyang sikreto.

Kinakabahan ako. Parang nanlalamig ang buo kong katawan. Hindi ko pa man alam kung anong sikreto 'yon eh natatakot na ako. Natatakot ako na baka magbago ang pagtingin ko sakanya. Natatakot ako na baka ikasira ng sikretong 'yan ang relasyon namin.

Napaupo ako sa pavement ng parking lot sa harap lang ng building. There’s this inside me telling na hayaan na 'yung narinig ko at wala 'yung ibang ibig sabihin.

“Ugh! Kainis naman eh!” nasabunot ko ang buhok ko sa sobrang frustrations.

Napabuntong-hininga lang ako nang marinig kong tumunog ang phone ko. A text.

From: 0917xxxxxxx

                       Theyn, punta ka dito sa parking lot—basement. Plz!

Eto nanaman! Sino ba 'to? At ang kulit ng lahi niya ah!

Nakasimangot na tumayo ako at umikot papunta sa basement ng building. Kung sino man siya at kung may masama siyang gagawin sa akin, may guard naman sa entrance ng basement kaya maririnig ako kung sumigaw ako.

Nakarating ako sa basement at wala naman akong tao na nakikita. May mga kotse para sa mga C-Suit including Kent’s car. Kaya ako lang dito. Haay naku, Theyn! Hindi ka na nadala! Diba nga may nagpaparamdam sa'yo dito? Tsk! Imahinasyon ko lang naman 'yon, eh.

“Pssst,”

“Huh?” napalingon-lingon ako sa sumitsit sa akin. “S-sino 'yan?”

“T-Theyn,” the voice—or rather her voice was trembling and it’s very familiar.

“Sino ka? Magpakita ka sa akin,” utos ko habang iginagala ang tingin. Napahinto ako sa isang malaking poste kung saan para akong may nakikitang gumagalaw.

“Ako 'to, Theyn.” Lumabas ang babae sa pinagtataguan niyang poste. Nakakubli siya ng hoody kaya hindi ko makita ang mukha niya.

“Anong kailangan mo sa akin? At sino ka ba?” tanong ko. Dahan-dahan niyang tinanggal ang hood ng jacket niya saka ko na-recognize ang mukha niya.

Halos manlaki ang mga mata ko sa nakita. Parang gustong kumawala ng puso ko dahil sa gulat at sa hindi inaasahang kakilala na makikita ko ngayon.

“C-CINDY?!” bulalas ko. “P-pero patay ka na! Minumulto mo ba ako?” takot na takot kong sabi. Napahakbang ako paatras pero sumunod siya.

“Namatay nga ako. Pero nabuhay ako. See? Buhay na buhay ako.” Pinagmasdan ko ang mukha ni Cindy. Her face looks groggy. Gulo rin ang buhok niya at nangingitim ang ilalim ng mata niya. Bukod sa dry na dry ang skin niya, alam kong may mali pa sa hitsura niya at hindi ko 'yon matukoy.

“P-Paanong—“ hindi ko alam ang sasabihin. Zombie na ba siya? Mummy returns? “P-paano ka nabuhay?” tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ba ako naniniwala sakanya na nabuhay siya. Pero sa mga nasaksihan kong katatakutan at kababalaghan eh hindi ko mapigilang hind maging curious.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon