Chapter Nineteen

66.7K 1.8K 57
                                    

Chapter 19

Present day…

 

Kakatapos lang naming magpakain ng mga bata ni Sir. Kahit nakakapagod kasi inabot na kami nang hapon ay enjoy naman. Nakakatuwa ang mga bata at doon ko nakita ang kid side ni Sir. Naglaro pa kami ng laro ng lahi. Nakakatuwa kasi pati ‘yung mga magulang nang mga bata ay nakisali din sa amin. Ang babait nilang lahat.

“You can rest.” Sabi ni Sir habang inaayos ko ang mga kahon at pabalik sa compartment nang kotse niya.

“Tapusin ko lang po ‘to.” sabi ko naman.

“Mga pagkain ba ‘yan?” tanong ni Sir.

“Ay opo. Mga sandwich pos aka zest-o.” binuksan ko ‘yung kahon saka pinakita kay Sir.

“Konti na lang naman pala. Iwan na natin sakanila. Baka may gusto pang kumain.” Sabi ni Sir. Nanibago ako sa inasal ni Sir. Ganito ba talaga si Sir? Nagiging mabait kapag kasama ang mga bata?

Kumuha lang ako ng dalawang sandwich at zest-o saka ako sumakay sa kotse ni Sir. Nagpaalam na kami sa mga taga doon.

Habang nagda-drive si Sir, hindi ko mapigilang hindi siya pagmasdan. Hindi kasi siya nakasimangot. Pero hindi rin naman nakangiti. Pero halata mo naman sa mukha niya na masaya siya. So this is the real Kent Manjon. What I thought of him ay isang heartless monster na walang nakakapagpa lambot pero mayro’n naman pala.

I heard him cuss nang bigla siyang pumreno. Huminto ang sasakyan sa gitna ng isang diversion road at wala kang makikitang bahay dahil puro puno ang nasa gilid at mga rice field.

“Sh-t! bakit ngayon pa?!” rinig kong sabi niya saka lumabas ng kotse. Sumunod naman ako sakanya. Nakakunot na ang noo niya.

“May problema po ba, Sir?” tanong ko kahit obvious naman na nasiraan kami ng kotse. Umuusok kasi ang hood nang buksan ‘to ni Sir.

“Stay inside the car. I’ll just fix this.” Sabi niya pero hindi ako sumunod.

“Sa’n po ‘yung toolbox niyo para makuha ko?” sabi ko pero tinignan lang ako ni Sir.

“Sa likod.” He said. Dali-dali naman akong pumunta sa compartment at do’n ko nakita ang black toolbox. Iniabot ko ‘yon kay Sir at kita kong may kinakalikot siya.

“Get inside. Mahamog na.” sabi niya.

“Pero—“

“Do not disobey me, Torres.” Sabi niya. Napanguso lang ako. Mas mabuti pang sumunod na lang kay Sir kesa naman mabulyawan nanaman.

Nakataas ang hood nang kotse kaya hindi ko makita si Sir. Ok lang kaya siya? I decided to turn on the player. May nakasalang pala na CD. I played it at isang instrumental lang ang pumailanlan. It was soothing to the ear.

Masyado na akong nake-carried sa malamyos na tugtug nang makita kong biglang bumuhos ang malakas na ulan.

“Sh-t Si Sir!” bulalas ko. Agad akong lumabas at nakita kong basing-basa na si Sir at medyo madumi na din. Naghalo na ang grasa sa damit niya at mayro’n na din sa braso at mukha niya.

“Sir! Tama na po muna ‘yan!” malakas kong sabi. Nakakunot na humarap naman siya sa akin. Lumapit ako sakanya. Err, pati ako basa na din. Tumingkayad ako saka ko nilagay ang dalawa kong kamay sa ulo niya. Natawa ako sa ginawa ko. Feeling ko naman masyadon malaki ang kamay ko para hindi maulanan si Sir.

“A-ano ba’ng ginagawa mo, Torres?! Basa ka na!” sigaw niya. Nagkalat na ang tubig sa mukha niya. Mas lalong kumunot ang noo niya.

“Pumasok na po tayo! Basa na po kayo!” malakas kong sabi.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon