Chapter Twenty

69K 1.8K 81
                                    

Chapter 20

 

“Eh Ms. Theyn magagalit po ang bossing.”

“Bumaba na po kayo dyan.”

“Kapag nalaman niyang hinayaan namin kayong umakyat sa puno baka mapatay kami no’n.”

Napanguso lang ako habang sinasaway ako ng mga bodyguard ni Sir Kent kasi nakita nila akong nasa taas ng punong mangga at kumukuha ng prutas.

“Eh hindi nga ako mahuhulog kasi sanay ako sa ganito bata pa lang ako.” Pagdadahilan ko saka sumampa sa isa pang sanga para abutin ‘yung magga. Sayang naman kasi nahuhulog lang sila sa lupa na hindi napapakinabangan.

“Pero mapapagalitan po kami ni Sir eh!” sabi no’ng isa. Bale tatlong bodyguard ang nangungulit sa akin ngayon.

“Eh ako ang bahala.” Sabi ko tapos pitas ‘yung pinakamalaking mangga. “Oh catch!” inihulog ko ‘yung pang pitong mangga na nakuha ko.

“Baba na po kayo.”

“Oo na bababa na.” sabi ko. Medyo nangangati na din naman kasi ako. Nakakamiss din pala ang buhay probinsya.

Wala kasi si Sir kaya nakaakyat ako ng puno. May inaasikaso daw siya eh. hindi ko nga alam kung saan kami pupunta mamayang gabi eh.

“H’wag niyo na po ‘yung uulitin, Ms. Theyn. Kami talaga ang malalagot kay bossing eh.” napapakamot na sabi no’ng isa.

“Basta h’wag na kayong magsumbong para hindi tayong lahat malagot.” Nakangisi kong sabi. Binigay ko sakanila ‘yung ibang mangga pero tumanggi sila.

Kanina lang nakausap ko ‘yung mga kapatid ko at mukhang nag-eenjoy naman sila. Nagpasalamat naman ako kay Ma’am Lorelei kasi siya ang nag-aalaga sa mga kapatid ko.

Pakatapos kong magtalop ng mangga, nilagay ko siya sa bowl at saka naman ako gumawa ng sawsawan. Walang bagoong sa ref ni Sir kaya kumuha na lang ako ng toyo at nilagyan ng asukal. Sa kwarto ko nilamutak ang mangga habang nanunuod ng movie.

Henry DeTamble: I never wanted to have anything in my life that I couldn't stand losing. But it's too late for that. It's not because you're beautiful and smart. I don't feel alone anymore. Will you marry me?

Clare Abshire: No. I didn't mean that. I just wanted to try it, to say it, to assert my own sense of free will, but my free will wants you.

Henry DeTamble: So it's a yes?

Clare Abshire: Yes, of course.

Naiiyak nanaman ako habang pinapanuod for the nth time ‘yung The Time Traveler’s Wife. Lalo na no’ng nagpropose na si Henry kay Clare. Hindi siya gano’n ka-romantic pero nakakakilig kasi pag-gising niya may nakasuot ng singsing sakanya.

“WHY THE HELL ARE YOU CRYING?!”

“Por dyos por santo! Nakakagulat ka naman Sir eh!” sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko. Nag-eemote ako dito tapos manggugulat lang siya.

“Bakit ka umiiyak?” balewala niya sa sinabi ko.

“Po?” naku nakakahiya naman kasi kung sasabihin kong na-touch ako sa pinanuod ko. Baka isipin ni Sir ang babaw kong tao.

“I said why are you—“

“Saan po kayo galing, Sir?” Pagda-divert ko sa usapan.

“Sa bayan.” Then he trail off at nakita niya ang hindi pa ubos na mangga sa bowl na nakalapag sa bedside table. “Sino nagpitas ng mangga?” he narrowed his eyes on me kaya napalunok ako.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon