Chapter Twenty-Seven

54.1K 1.7K 65
                                    

Chapter 27

Pumasok ako sa opisina na nakasuot ng shades dahil sa namumugtong mga mata. I feel so alone yesterday. Ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko ay parang bumabalik sa akin at sa totoo lang hindi ko pa kayang magpatawad. Kung nandito lang si Kent eh ‘di sana siya ang nagbibigay sa akin ng advise kung ano ang pwedeng gawin. And sure enough he can comfort me. Pero wala siya kaya pakiramdam ko mag-isa lang ako ngayon.

Parang wala sa sarili na pumasok ako sa opisina ni Kent at kinuha ko ang ibang papeles sa mesa niya. Naiimagine ko siyang nakaupo sa swivel chair niya at nakatingin lang sa akin. Naiimagine ko din na miss na miss na niya ako base sa mga titig niya. Hay! Panget na epekto ng shades na ‘to ay si Kent ang lagi kong nakikita.

Hinayaan ko ang imahinasyon ko at kinuha ko ang papeles sa mesa niya. Pero kahit imahinasyon lang ang nakikita ko, nagagwapuhan pa rin ako sakanya. Para lang akong naka 3D glass dahil pakiramdam ko totoo siyang nasa harapan ko.

Napabuntong hininga ako ng malalim at tinanggal ko ang shades ko saka ko sinabit sa collar ng damit ko.

“Miss na miss na kitang gago ka.” Naiiling kong sabi. Lumabas ako sa opisina niya at bumalik sa mesa ko. Tinignan ko ang papeles para lagyan ng stamp ng pirma n’ya. Hindi kasi pwedeng hindi magsahod ngayon ang empleyado.

Unang buklat ko pa lang sa first page ay nakita ko na may pirma na niya at gamit pa ang fountain pen at hindi stamp. Hindi ko alam kung namamalikmata ako kaya lahat ng pahina ay tinitigan ko. At tama nga ako, lahat may pirma na.

Sino naman pipirma nito eh wala naman siya at imahinasyon ko lang ‘yung kanina. Naku! Don’t tell me at pati ang pirma niya naiimagine ko na din. Iba na ito! Kabaliwan na ang tawag dito!

“Theyn…” at pati boses niya naririnig ko na din. Jusme! Ayaw ko pa pong mabaliw!

“Naku Kent, tantanan mo muna ako at nagco-concentrate ako sa trabaho!” I murmured to myself. “Nakakainis.” I mumbled habang inaayos ang papeles.

“Bakit ba hindi mo ako pinapansin? Hangin ba ako dito?” sabi pa ng aking imahisyon kay Kent kaya mas lalo akong nainis sa sarili ko.

“Imahinasyon ka lang kaya umalis ka na. Nasa Colorado si Kent nakikipaglandian kay talanding Cassey!” sagot ko.

“But I’m here. I came back early for you.” Sabi pa ng imagination ko kay Kent. Tinignan ko naman siya at infairnes, malinaw na malinaw siya sa paningin ko.

“Early sa’yo! Nakakainis ka!”

“Theyn…”

“You’re just a pigment of my imagination so get lost.” Tumayo ako at pumasok sa elevator. Pupunta ako sa HR department para kunin ang DTR ng mga employees.

Nasa 5th floor na ako at pumunta ako sa head ng HR.

“Magse-sweldo na ba, Theyn?” masayang sabi ni Ma’am Gomez. Ang babae na nag-interview sa akin dati.

“Hindi pa po eh.” nasabi ko na lang.

“Eh nand’yan na si Mr. Manjon ah.” sabi niya kaya napakurap ako.

“Ho?”

“Maaga siyang pumasok. Akala nga namin wala pa siya. Mag-oorder sana kami ng pancit at siopao para dito sa office kumain kaso nga nandyan na pala siya.”

So ibig sabihin ‘yung akala kong imagination ko ay totoo pala? Halaaa! Kaya pala may pirma na ‘yung papers para sa release ng salary.

“Pakihatid na lang po ‘yung DTR sa 21st floor. Kailangan ko po kasing bumalik do’n agad.” Hindi ko na hinintay na sumagot si Ma’am Gomez at agad akong nag-abang ng elevator. Nasa 1st floor pa siya.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon