Chapter Thirty-Nine

52.7K 1.4K 114
                                    

Read at your own risk. Not prof read. Not edited.

Chapter 39

I put a concealer around my eyes para takpan ang pamamaga nito bago ako umakyat sa office. Mabuti na lang at nakita ko ang sarili ko sa side mirror ng jeep. Nakakahiya ako.

I went up stairs. Oo up stairs kasi pinaparusahan ko sarili ko. Hindi ako gumamit ng elevator. Gusto kong umiwas sa lahat. Ang bigat din kasi ng pakiramdam ko. Nobody told me na ganito pala kasakit kapag nagmahal ka.

 I am 20 minutes late. He said civilized na kami kaya aasahan ko na babalik kami sa dati. The boss-secretary-relationship.

Pagdating ko 21st floor, agad kong kinuha ang tissue ko sa bag saka ko pinunasan pawis ko sa mukha. Para tuloy gusto kong pagsisihan ang paggamit ng hagdan. Parang natunaw ‘yung concealer na nilagay ko, eh.

Hindi ako sigurado kung nasa loob na siya ng kanyang office. Nahihiya akong i-check eh.

Nag-aayos ako ng aking gamit sa mesa nang bumukas ang pinto sa office ni Sir. Napaderetso naman ako ng upo. Ano’ng gagawin ko? Magpanggap na hindi siya naririnig? Kagaya ba kami ng dati?

“You’re here…” I heard him say. Hindi pa ko pa rin siya nililingon.

“G-good morning, S-sir.” Sabi kong hindi man lang lumilingon. Kahit gustong-gusto ko siyang makita. I missed him.

“What’s my schedule for today?” he asked. Agad ko namang kinuha ang scheduler ko saka ako tumayo para harapin siya. Pero nagulat ako nang wala na siya sa likod ko. Nakita ko ang anino niyang nasa loob ng office. Pinapasunod niya ako.

I breathe heavily bago ako pumasok sa opisina niya. Nakayuko lang ako at nakita ko from my peripheral view na umupo siya sa swivel chair niya. I know he’s staring at me.

“Lock the door,” he ordered. Sinunod ko utos niya saka ako lumapit sa table niya.

“C-clear po ang schedule niyo ngayong umaga hanggang lunch. M-mamayang 1:30PM may meeting kayo sa Engineering department para sa bagong proposed project. After that…may panel interview po kayo sa mga aspiring employee na ia-assign niyo sa Cebu Branch. ‘Yung long distance call from abroad ay na-cancel kaya bukas po—“ napatigil ako nang marinig ko siyang tumawa ng pagak. Ayaw ko mang tumingin pero napilitan ako.

“Bakit parang wala man lang sa’yo ang lahat?” mapait niyang sabi. Nag-iba ako ng tingin. Ano ba gusto niya? He told me to act civilized.

“Ginagawa ko lang po ang trabaho ko.” Sabi ko sakanya.

“Eh ang saktan ako? Trabaho mo rin ba ‘yon?” I can feel the bitternes on his words.

“Kung nasaktan man kita, Sir—“ nagulat na lang ako nang kalampagin niya ang mesa niya at tumayo sa kinauupuan niya at para siyang dinala ng hangin na nakalapit sa akin.

“Stop with the Sir, Theyn! Bakit mo ba ako ginaganito?!” he was inches away from me. Hindi ako makapagsalita. Sige lang, Kent. Ilabas mo ang galit mo sa akin. “Bawiin mo ang sinabi mo kay Cassey, Theyn! Tell her the truth! Kung idemanda ka niya sa pananakit mo sakanya—nandito ako! Tutulungan kita!”

“Pero ang sikreto mo…”

“F-ck it! I don’t care!” sigaw niya sa akin. Napapikit ako nang mariin.

“But I care! I care, Kent. Ang hindi ko lang matatanggap ay ang katotohanan na kaya mong sirain ang buhay mo dahil sa akin. Bakit ba hindi mo ako maintindihan?”

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon