Chapter Forty-One

55.1K 1.4K 57
                                    

NOT EDITED. NOT PROOF READ. A lot of typographical errors dahil sa adik kong keyboard. Please bear with me for a moment while I try to get this straightened out. Thank you!

Chapter 41

NAGISING akong nanlalabo ang mga mata at puro kulay puti lang ang nakikita. Matagal bago ko ma-realized na nasa hospital ako. Naramdaman kong may mabigat sa kanang kamay ko—and suero na nakakabit sa akin. Bumaba naman ang tingin ko at nakita ko ang bed side table na may mga prutas. Maganda ang kuwarto at hindi siya ordinaryong ward. Para ngang ngang nasa kwarto lang ako eh.

Narinig kong tumunog ang pinto na nasa left side kaya napalingon ako. Nakita ko si Haril na may dalang chichirya at in-can softdrinks.

His eyes widened when he saw me awake.

“Ate! Mabuti at gising ka na. Okay na ba pakiramdam mo?” tanong niya sa akin at puno ng pag-aalala. Nilapag niya sa upuan ang mga pagkain na dala.

“Ayos na ako, Haril. Nasaan si Mica?” Pinilit kong ibangon ang sarili ko para maupo. Ang sakit na ng likod ko. Feeling ko tuloy may bed sore na ako. Tinulungan naman ako ni Haril at itinaas niya ang likod ng higaan ko.

“Nasa mansion siya ate, kay tatay. Wala kasing mag-aalaga sakanya sa bahay kaya doon ko muna siya pinapauwi kasama ni Tita Shaila.” Paliwanag niya.

“Gaano na ba ako katagal dito?”

“Dalawang araw ka na pong walang malay, ate. Kasama kanina ni tatay si kuya Kent na nagbabantay sa’yo. Pero may pag-uusapan daw muna sila kaya ako ang iniwan dito.” Nagulat naman ako sa sinabi ni Haril. Magkausap na si tatay at Kent? Ano naman pag-uusapan nila?

“Ate, inom muna kayo ng tubig. Tatawagin ko lang po ang nurse para ma-check kayo.” Inabot ni Haril ang mineral water na may straw bago lumabas ng kwarto.

Hindi ko mapigilang hindi mag-isip kung ano ang pag-uusapan ni tatay at Kent. Baka galit si tatay kay Kent at baka siya ang sinisisi kung bakit ako nagkaganito?

Bumakas nanaman ang pinto at pumasok si Haril na may kasamang nurse at isang doctora. Nakangiti itong papalapit sa akin.

“How are you, Theyn?” she checked the suero saka ko nakitang may sinulat sa note ang nurse.

“Okay na po ako. Medyo magaan na po ang pakiramdam ko.” I replied.

“I see. But you still need bed rest para sa full recovery mo. As of now, may mga tinuturok kaming vitamins sa katawan mo. You also need balance meal para makabawi agad ng lakas. I suggest you to eat more fruits and continue your water teraphy lalo na’t dalawang araw kang walang malay. Wala munang diet-diet at full meal lagi, okay? I’ve heard that you’re a secretary of a CEO so I already told Kent to give you a 1 week rest. Aside from that, huwag ka munang magpupuyat and don’t stress yourself emotionally  and physically. Mababa ang immune system mo at anemic ka pa.”

“Matigas po ang ulo niyan doc ni ate kaya ako ang bahala sakanya. Ako naman na ang mag-aalaga sakanya.” Nakangiting saad ni Haril. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni doctora at ng nurse.

“I see you already have a personal nurse.” Tumingin siya kay Haril at nginitian ito. “Tomorrow puwede ka ng i-discharge. Hayaan na lang nating maubos ang suero mo.”

“Salamat po, doctora.”

Lumabas na si doctora at napatingin ako kay Haril.

“Ikaw naman, Haril. Binuking mo na ako kay doc.” Nakangiti kong sabi sakanya.

“Eh ikaw kasi ate, puro ka trabaho para lang masustentohan kami. Halos tatlong taon ka na rin na nagtatrabaho.”

“Oo na susunod ako sa’yo kaya ‘wag ka ng mag-alala diyan.”

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon