Chapter Forty-Three

50.1K 1.4K 46
                                    

Muntik ng maging restricted ang MKiSF. :( Buti na lang naagapan ko at naibalik sa Rated G. Guys, kung hindi niyo gusto ang story na 'to 'wag niyo naman ireport. Kung alam ko lang na ganito sana pala ginawa kong private 'yung BS part, diba? Pero ayaw ko kasing masabihan ako ng makasarili at may nalalaman pang private para mag-gain ng followers. I'm not like that. :( Thank you sa pa New Year niyo sa akin.

Anyway, kumusta ang pagsulubong niyo sa bagong taon? Ako nagkulong sa kwarto at bawal akong makalanghap ng pulbura sa paputok. Asthmatic kasi ako, eh. Pero enjoy naman. 

Nga pala, light lang ang chapter na 'to. Maikli kaya 'wag mag-expect. 'Yon lang, thank you.

-=-

Chapter 43

Yale University. I had to research about the school na pag-aaralan ko kasi wala akong alam tungkol do’n. Pinapili rin ako ni tatay kung anong course ang gusto ko. I choose Psychology kasi ‘yon na talaga ang gusto kong kunin noon pa man. Sa September pa naman ang pasukan kaya may 9 months pa ako. Pero sabi ni tita Shaila, kailangan daw mga 3 months before magsimula nasa Connecticut, USA na ako para masanay ako sa lifestyle doon.

Nag resign na rin ako sa kumpanya ni Kent. May bago na siyang secretary—lalaki. Para siyang naging chief assistant ni Kent. Okay na rin naman sa akin kasi maiiwasan kong mag-isip nang kung ano. January na at hinayaan ko si tita Shaila na mag-asikaso ng credentials ko para sa papasukan kong school. Dito na rin kami sa mansion nakatira kasi ‘yon ang request ni tatay.

“Kumusta ang work?” I asked Kent habang naglalakad kami sa park. Hapon na at sinundo niya ako sa mansion. Kahit na nasa trabaho siya, hindi siya nawawalan ng oras sa akin. Sana gano’n pa rin siya kapag nasa ibang bansa na ako.

“It’s fine. Magaling naman si secretary Sid.” He shrugs. Tiningnan ko naman si Kent at napansin kong matamlay siya.

“Kent, may problema ba?” tumigil kami sa paglalakad at humarap ako sakanya. “You can tell me.” I assure him.

“Don’t mind me. Naiisip ko lang kapag wala ka na. To tell you the truth, hindi ka pa nga umaalis nahihirapan na ako.” Seryoso niyang sabi. Nginitian ko naman siya at hinawakan ang kamay.

“Babalik naman ako, eh. Pero kung ayaw mo talaga akong umalis, just tell me and—“

“No, Theyn. Ipagpatuloy mo ‘yon. Hayaan mo lang ako. Natural lang naman ata ‘to.” he smile back at me.

“Dadalasan ko ang pagtawag sa’yo. I will update you everyday sa mga ginagawa ko. Before you knew it, kasama mo na ulit ako.”

“Kaya ko naman maghintay pa, eh. Besides, bata ka pa naman kung itatali agad kita sa akin. Kung alam mo lang ‘yung mga bantang binigay sa akin ng tatay mo.” Sabi niya tapos tumawa siya.

“Hala! Binantaan ka ng tatay?” hindi ko makapaniwalang sabi.

“Concern lang siya sa’yo kasi isang tulad ko ang boyfriend ng anak niya. Baka nga pinaghiwalay niya tayo kapag nalaman niyang Vampira ako.” Tumawa siya ng malakas kaya naman siniko ko siya.

“Huwag mong sasabihin kay tatay! Matatakot ‘yon!”

“Hindi ko sasabihin.” Hinawakan niya pisngi ko saka siya lumapit para yakapin ako.

“K-Kent, nakatingin ang mga tao.” Sabi ko sakanya. Para naman siyang walang narinig at niyakap lang ako.

“I don’t care.” Napahagikhik lang ako sa sinabi niya. Kakaiba talaga ‘tong nilalang na ‘to. PDA kung PDA.

Halos araw-araw gano’n kami ni Kent. Susunduin niya ako sa mansion o kaya magkikita kami kung saan. Magde-date at mag-uusap. Minsan sinasamahan niya akong kumain o kaya mamili ng damit. Sinabihan ko nga siyang ‘wag na naming pag-usapan ang tungkol sa pag-alis ko dahil feeling ko mas lalong papalapit ang araw.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon