Chapter Forty-Six

48.9K 1.2K 23
                                    

Chapter 46

“Cindy, ‘wag. Please?” nakapikit kong sabi.

“What are you waiting for, Cindy? Suck her blood! Don’t resist your self.” Sigaw pa ng pinuno nila.

Hinintay kong dumantay ang pangil ni Cindy sa leeg ko pero naramdaman ko na lang na humangin ng malakas. Kaya namulat ko mata ko. Nagulat na lang ako na makita si Cindy 2 meters away from me at hinihingal siya ng malakas. Naluha na lang ako bigla. Sobrang pagpipigil ang ginawa niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maaawa sakanya. She doesn’t deserve this. They’re so cruel they made my friend a monter.

“Useless blood sucker!” he growls saka tumingin sa akin ng matalas.

“Where is your beloved? He should be here now saving you.” Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hindi ko magawang umatras dahil wala na akong maaatrasan. Pakiramdam ko katapusan ko na.

“Napaka pakialamero niya at pinangungunahan niya ang pamumuno ko sa Coven Clan!” his eyes keep on shfting from red to black. He was grinning evily like he already cornered his prey.

“Kung sino-sinu ang binibiktima ng lahi niyo and it so happen na nambiktima kayo sa companya niya!” matapang kong hasik. Mas mabuti rin sana kung lalaban din ako. I will die fighting para wala akong pagsisisihan.

“We are the blood sucker! We will choose who’s going to be our prey! And you’re on our list, missy! Including your friend!” bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Gusto ko ‘tong bawiin pero sobra siyang malakas. His tight grip felt like hell. Pakiramdam ko napuputol ang pulso ko sa mga hawak niya. Nakakapanghina.

Nagulat ako nang hiwain niya ang palad ko gamit ang mahahaba niyang kuko. Halos mapasigaw ako sa sakit nang mas lalo niyang ibaon ang kuko niya sa ginawa niyang sugat.

Parang gripong lumalabas ang dugo ko sa palad. Ramdam ko ang kirot sa loob nito.

“Ahhhhh! Tama na!” sigaw ko sa sobrang sakit. Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko at mas marami ding lumalabas na dugo.

Sunod niyang hinawakan ay ang leeg kong sinugatan niya kanina. His pointy nails were tracing the wonds at mas lalo akong napahiyaw. Masakit. It was torturing.

“M-masakit! T-tama na, please!” pakiusap ko pero parang mas lalo siyang nag-enjoy sa ginagawa niya kaya binaon niya ang kuko niya sa sugatan kong leeg.

“Ahhhhh!” narinig ko ang mala-demonyo niyang tawa na parang mas lalong nag-e-enjoy na pahirapan ako.

“In my 500 years of existence in earth, I’ve never enjoyed torturing a prey. But you… it feels like seeing you in pain is more pleasurable than drinking your blood!”

Napaluha ako. I’ve never imagined myself dying like this. Marami akong paghihirap na dinanas pero kahit kailan hindi ko hiniling na mamatay. Pero ngayon, mas gusto kong patayin niya na lang ako kesa pahirapan. I’d rather die kesa maging kauri nila.

Hinang hina na ako dahil na rin siguro sa mga dugong lumalabas sa akin.

Narinig ko naman na parang may malakas na puwersang sumira sa pinto ng rooftop. I have no strength to open my eyes to see who it was.

“Let her go!”

Kent’s POV

Nasa pasilyo ako at iniisa-isa kong buksan ang mga classroom para tingnan kong nandoon si Theyn. Nawawalan na ako nang pag-asa pero hindi ako puwedeng sunuko. Not now, not ever.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon