Chapter Thirty-Four

59.3K 1.7K 144
                                    

Note: Bago niyo basahin ang chapter na 'to, gusto ko munang magpasalamat sa lahat. Sa mga nagsilabasan na silent readers, nakakatuwa kayo. At sa nagme-message sa akin sa facebook pati rito sa wattpad at sinasabing silent readers sila--hahaha proud pa kayo, eh, 'no?

Kahapon, birthday ni Daniel Henney also known as Kent Manjon. :) HAPPY BIRTHDAY, BOSS! Mahal na mahal kita kasi ang abs--i mean dahil sa'yo may mga napapasaya akong readers. 'Yon, tama. wahahaha More abs ay este more birthdays to come. And more pictures with abs to come! There, i said it. Gusto niyo naman, diba? Oh siya, basa na. Gusto ko lang magpapansin sa inyo. 

And one more thing. Bakit hindi ko ina-update ang Vampire City 3? Kasi kailangan ko muna 'tong tapusin. Because? Because advance ang timeline ng VC3. So now you know. KVROOOM!

WARNING! SPG AHEAD! PLEASE BE GUIDED! YOU'VE BEEN WARNED!

Chapter 34

Dinala ako ni Kent sa bahay niya. Tahimik lang ako habang nasa likod niya. I don’t know why I feel so aloof to him. Ngayon ko lang ulit ‘to naramdaman. ‘Yung kasama ko siya pero pakiramdam ko ang layo-layo niya.

“Theyn,” humarap siya sa akin ‘pag pasok namin sa bahay niya. Malungkot ang mukha niya. Nararamdaman ko rin na tense siya. Kahit kailan hindi ko pa siya nakitang ganyan. He was always proud and confident.

“Kent, sabihin mo na. I will try my best para maging open-minded.” I assured him.

“Remember the second time you got here? I told you not to open the black fridge at ang kwarto sa pinakadulo.” Napatango ako sakanya. Naalala ko ‘yon. ‘Yon ‘yung time na ipinagluto ko siya ng pagkain pero hindi naman niya kinain.

“Nandoon ang sagot, Theyn. Everything about me lies inside that room.”

Giniya niya ako papunta sa kwartong sinasabi niya. May isang pinto sa dulo at may touchpad sa may doorhandle para sa security lock.

“Little did I know na kailangan ko palang mag look back sa aking nakaraan. Akala ko puwede ko siyang itago. Pero hindi pala. The more I hide it, the more you’re hurting.”

Binuksan niya ang pintuan at tumambad sa akin ang madilim at malamig na kwarto. Binuksan ni Kent ang ilaw sa loob saka niya ako pinapasok.

Isang simpleng kwarto. nothing fancy kung titingnan mo. Pero mero’ng mga pictures na naka-frame. May mga lumang magazine at diyaryo na naka-stack sa side table.

Pero isang picture ang pumukaw sa attention ko. Malaking landscape at isang kaharian ang nakalagay. Parang Disney palace—only darker.

“This is Lorelei, pamangkin ko siya.” Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang siyang magsalita. “And this is her son, Hunter.” I stared at the picture. Parang hindi nalalayo ang agwat ng edad nila kaya bakit at paanong magiging anak ‘yan ni Lorelei?

“Ampon ba si Hunter?” I asked.

“No. Anak siya ni Lorelei at Aric.” Gulat ko siyang tiningnan.

“H-how come?”

“Theyn, we’re not ordinary. That’s also the reason why you don’t see me eat anything.” Para akong maiiyak sa sinasabi ni Kent. Nagsisimula pa lang siya pero natatakot na ako sa sasabihin niya.

“K-Kent…”

Pumunta ako sa isang table na may mga picture frames. A picture of him and Lorelei. Walang pinag-iba ang hitsura niya ngayon at sa picture.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon