Chapter Twenty-Six

54.9K 1.5K 46
                                    

Chapter 26

“Theyn,”

“Hmm?”

“Ok na ‘tong passport mo.” Inabot sa akin ni Migo ang brown envelop. Nagdadalawang isip naman akong kunin ‘yon. “Kunin mo na.”

“Eh Migo… kasi, parang ayaw ko nang pumunta do’n. Nahihiya ako. Besides, ayaw kong isipin ni Kent na sinundan ko siya do’n kasi wala akong tiwala sakanya.” Paliwanag ko sakanya. I heard him sigh.

“Bakit mo kasi ipaparamdam sakanya na wala kang tiwala? Pupunta ka do’n kasi miss mo na siya at hindi para tignan kung ano na ang ginagawa nila ni Cassey.” Napakagat lang ako ng pang-ibabang labi.

“H-hihintayin ko na lang siyang umuwi.” Tapos ngumiti ako sakanya. Desidido na ako. Hindi ko siya susundan do’n. I trust him. And I love him that’s why I’ll wait for him to come back.

“Ok. Pero kapag nagbago isip mo. You know where to find me. Mamayang gabi ang flight ko papuntang Colorado.” Iniwan niya ang brown envelop sa desk ko saka umalis.

I was torned. Ilang araw ko na din siyang hindi nakakausap sa phone. Bakit kasi hindi na lang siya umuwi? Ang sarap niyang awayin.

Nakatitig lang ako sa monitor habang binabasa ang mga business emails na natatanggap ko. Ang dami nang nakabinbing trabaho dito para kay Kent. Ang daming hindi maaprubahan na papeles kasi walang pirma niya.

“Kent, miss na kita! Bwesit ka.” I murmured. If only he could hear me. if only I could drag him to come back.

Nagulat na lang ako nang biglang magring ang phone ko na nakacustomize ang ringtone para sakanya. Mabilis pa sa alas-kwatrong sinagot ko ang phone.

“Hello!”

[Theyn,] nanghina ako sa boses niya. Pakiramdam ko ang tagal kong hind narinig ang boses niya. Miss na miss ko na talaga siya.

Hindi ko namalayan na may namumuo nang luha sa mga mata ko.

“K-Kent, umuwi ka na.” pinipigilan kong hindi pumiyok. Ayaw kong malaman niyang umiiyak ako. Para akong bata dito. Baka mababawan siya sa akin eh.

[You don’t know how much I wanted you to say that.] gusto ko makita mukha niya. Galit ba siya? Masaya? Nakakunot o matalim na naman ang mga tingin.

Pinunasan ko ang konting luha sa mata ko. “Miss na miss na kita. Please, Kent. Umuwi ka na. I need you.” Hindi kaagad siya sumagot. That was my cue. Alam kong hindi siya makakauwi agad. It was work. Siguro nagtitimpi lang siya na sigawan ako o sabihin na mag grow up. Pero alam ko naman na hindi pa siya uuwi. I was just pushing my luck.

[Theyn,]

Tumawa ako nang pagak. “Ano ka ba. Joke lang. Alam ko naman na trabaho ang pinunta mo dyan. Maghihintay na lang ako sa pagbalik mo.” I tried my best na maging natural ang boses ko. Ayaw kong isipin niya na apektado ako kahit ang totoo ay halos ikamatay ko na ang pagka-miss sakanya.

[Ah Theyn…]

“Oh sige na, Kent. Busy kasi ako eh. Ang daming trabaho dito. Tsaka alam kong busy ka rin.”

[But—]

“Bye, Kent. I love you,” then I hang up. The more I talk to him longer, the more I’ll miss him.

Ngayon ko lang ‘to naramdaman eh. ‘Yung magselos na wala sa lugar. ‘Yung hindi mo alam kung tama pa ba ang nararamdaman mo. ‘Yung hindi mo alam kung tama bang malaman niyang namimiss mo siya. First time ko kasing pumasok sa isang relasyon kaya hindi ko alam kung ano ang tamang dapat gawin. Kasi kung papairalin ko ang selfish na ako, sasabihin ko sakanyang umuwi na siya kasi miss na miss ko na siya.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon