Chapter Forty-Seven

55.2K 1.4K 50
                                    

NOT EDITED | NOT PROOFREAD

Chapter 47

Nagising ako na may humahaplos sa noo ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang nakangiting mukha ni Kent. Agad akong nahawak sa mga ngiti niya kaya napangiti na rin ako sakanya.

“Okay na ba pakiramdam mo?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako. I’m fine though may nararamdaman pa akong konting kirot sa katawan ko. Pakiramdam ko rin masyadong nabugbug ang katawan ko pero aside from that, okay na ako.

“You want some water?”

“Yes, please.” Sabi ko naman. Nakakauhaw sa pakiramdam. Feeling ko nawala ang liquid sa katawan ko.

Babangon sana ako pero agad naman akong napahiga nang maramdaman ko ang kirot sa leeg ko. Biglang naalala ko kung ang mga pangyayari. Biglang bumalik sa akin ang takot at feeling ko nanginginig ang buo kong katawan. Ramdam na ramdam ko pa ‘yung sakit nang hiwain niya ang palad ko at ang leeg ko at kung saan-saan pang parte ng katawan ko.

“Sh-t!” narinig kong mura ni Kent. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako. Parang nakaka-trauma ‘yung nangyari sa akin at hindi ko maiwasan na ma-paranoid.

“N-natatakot ako,” pag-aamin ko sakanya. Paano kung mangyari ulit ‘yon? Paano kung makuha niya ulit ako and this time hindi na niya ako buhayin?

“Sshhh… You’re safe. Wala ng mananakit sa’yo.” Bulong niya sa akin.

Alam kong ligtas na ako. Pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang puwedeng mangyari. Nakakatakot.

Narinig ko naman na bumukas ang pinto kaya agad ko itong tiningnan. Nagulat ako nang makita ko si Cindy. Agad akong nagsumiksik kay Kent sa sobrang takot.

“Kent,” nanginginig kong sabi. Nahalata niya atang natatakot ako kaya tumingin din siya kay Cindy.

“She won’t harm you, Theyn.” He said.

“Theyn, kumusta ka na?” tanong ni Cindy sa akin.

“O-okay lang,” nag-iba ako ng tingin. Tumayo naman si Kent at parang batang napahawak ako sa laylayan ng damit niya.

“Saan ka pupunta?” nag-aalala kong sabi. Ngumiti naman siya sa akin saka hinawakan ang pisngi ko.

“Mag-usap muna kayo. I’ll be outside.” He beamed saka siya tumalikod. I saw him tapped Cindy’s back saka siya tuluyang lumabas.

Cindy sits beside me.

“Alam kong natatakot ka sa akin, Theyn. Pero hindi kita sasaktan. Isa na akong venomous vampire. See?” her brown eyes shift from crimson red. Ibang iba na rin ang kutis niya. Mas lalong gumanda at kuminis.

“Sorry, medyo na-trauma lang talaga ako sa nangyari.” Sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“Namiss kita.” Ramdam ko na sincere siya. Namiss ko rin naman siya. Kapag sobrang enjoy ang usapan namin nila Jean at Florence, hindi ko maiwasan na sana kasama namin siya. Sana kasama namin siya sa kalokohan namin. Pero heto siya ngayon, nasa harapan ko.

“Babalik ka ba sa pamilya mo?” tanong ko sakanya.

Malungkot siyang ngumiti, “I can’t. Walang taong nilibing ba bumangon sa kabaong. Magdududa lang sila. Besides, okay na ako sa ganito.” I can feel the sadness in her voice.

“Sabagay. Pero miss ka na nila Jean at Florence. Ayaw mo ba silang makita?”

“Iniisip ko nga na magpakita sakanila tapos umalis agad.” Then she laugh hardly. Pati ako natawa na rin. I can just imagine the two trembling their knees at takot na takot.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon