Chapter Nine

71.6K 2.1K 132
                                    

Chapter 9

“Mukha kang bangag!” komento sa akin ni Cindy.

“Puyat lang.” sabi ko sakanya. Hanggang ngayon kasi palaisipan pa din sa akin ‘yung hangin sa loob ng kwarto ko. Ang creepy kasi eh.

“Ah eh may sasabihin pala ‘ko sa’yo.” Sabi n’ya sa akin. Napakunot naman ako. Hindi ko kasi maipinta ang mukha niya. Nakangiti pero alam mo na may bumabagabak sakanya.

“Ano ‘yon?” takang tanong ko.

“A-aalis na kasi ako. M-may magandang offer kasi sa akin sa ibang bansa.” Sabi niya saka sa iba tumingin.

“Hala? Kailan ka aalis? Maiiwan mo pala ako dito eh wala na akong kaibigan dito.” Sabi ko sakanya. Nalulungkot din ako. Kahit kasi ganyan ‘yan si Cindy, kaibigan ang turing ko dyan.

“N-ngayon na.” ngumiti siya sa akin ng mapait.

“Bakit ba biglaan? Umamin ka nga! Buntis ka ba?!”

“Ako buntis?! Hay naku, Theyn! Sana nga ‘no! Pero hindi. Gusto ko din kasi umasenso kaya ako nakapag desisyon.”

“Madaya ka.” Nag-tatampo kong sabi.

“Sige, mauna na ako. Mag-aayos pa ako ng gamit ko eh.” sabi niya saka tumalikod. Pero bago pa siya tuluyang mawala sa paningin ko, lumingon siya sa akin saka ngumiti. Ngiting hindi ko maintindihan.

“Mag-iingat ka lagi ah?” she said and turn around.

Nagtaka na lang ako. She’s acting weird. Alam kong may iba pang dahilan kung bakit siya aalis. Sa halos dalawang taon kong kilala si Cindy, never ko pa siyang nakitang gano’n ka-bothered.

Pabalik na akong 21st floor nang masalubong ko si Sir Migo. May kasama itong batang babae at may hawak na Barbie doll.

“Hi Ms. Torres.” He greeted me.

“Hello po.” Sabi ko saka tumingin sa batang kasama niya. “Hello. Ang cute mo naman.” She timidly smile at me saka nagtago sa legs ni Sir Migo. Ang cute lang na bata. I bet she’s 2 years old.

“She’s my niece, Brittany. Sinama ko at may sakit ang Mama niya.” Sabi sa akin ni Sir Migo.

“Ang ganda po siguro nang Mama niya. Ang cute cute na bata eh.”

“Ay syempre! Nasa lahi eh.” sabi niya saka tumawa. Tumawa na din ako. Nakakatuwa talaga kapag ngumingiti o tumatawa si Sir—nawawala ang mga mata niya.

He excuse his self nang tumunog ang phone niya. So that leaves his niece and me smiling on each other.

“Are you Tito Migo’s girlfriend?” tanong niya na ikinagulat ko. Mukha ba akong girlfriend ni Sir?

“Ay hindi po. Isa si Sir Migo sa mga bosses dito kaya boss ko na din siya.”

“Do you wanna play? I have a doll house inside Tito’s office. Can we be playmates?” nahihiya niya pang sabi. Sa hindi malamang dahilan, napatango ako sakanya.

Hoy Theyn may trabaho ka pa!

“Sure.”

“Really? Yehey!”

“Ms. Torres, can I have a favor?” baling sa akin ni Sir Migo na mukhang nagmamadali.

“Ano po ‘yon?”

“Can you look after Brittany muna? Medyo may emergency lang. I’ll be back before lunch.” He said tapos bumaling kay Brittany. “Princess, can you stay with Ate Theyn? Tito has something important to do. But I promise later we will play your toys. Ok?”

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon