Chapter Eleven

69.7K 2.2K 179
                                    

Chapter 11

“Stay out of this, Primotivo!” rinig kong sabi ni Sir Kent sa loob ng opisina niya. Mas lalo akong mananagot nito eh!

“No I won’t, Kent!”

“Get out of my office or I’ll drag you out using my fangs!”

“Make me!”

“You really wanna try my patience, huh?”

“Let go of Theyn. Then and only then—I’ll leave this hellhole!”

“She’s my secretary!”

Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko. Si Sir Kent nag-aala vampire. Si Sir Ivo naman feeling Knight ko. Hindi naman ako gano’n kaimportante para pag-awayan nang dalawang Adonis.

“Only because you—ugh!” hindi ko na narinig pa ‘yung sinasabi ni Sir Ivo dahil naging tahimik na sa loob.

“Ms. Torres, nasa loob ba si Kent?” biglang akong napalingon sa nag-salita. Si Sir Migo pala. May dala siyang folder.

“Good afternoon po, Sir. May kausap pa po sa loob si Sir eh.” nakangiti kong sagot kahit kinakabahan ako dahil hindi ko na alam ang nangyayari sa loob.

“Hmm, kanina pa ba? Importante kasi ‘tong papeles na dala ko eh. Kaya nga hindi ko pinagkatiwala sa secretary ko.” He trail off and look at me. “But I trust you.” Tapos ngumiti siya nang maluwang. “Ikaw na bahala mag-bigay sakanya. Alright?” he said then winked. Kinuha ko naman ‘yung folder saka nilagay sa mesa ko. Nakaka-flattered naman at pinagkakatiwalaan ako ni Sir Migo.

“I’ll give this to him, Sir. Don’t worry,” nakangiti kong sabi kasabay nang pagbukas ng pinto sa opisina ni Sir.

Niluwal nito si Sir Kent kasabay ni Sir Ivo na parehong nakakunot ang noo. Kahit mukhang galit ang mga mukha nila, gwapo pa din sila sa paningin ko.

“Uy Kent. Na kay Theyn na ‘yung—“ hindi natuloy ni Sir Migo ang sasabihin niya nang biglang lumapit sa akin si Sir Kent at hinigit ang kaliwang braso ko.

“May pupuntahan tayo!” sabi niya sa akin tapos tumingin sa gawi ni Sir Migo. “Make that creature leave! Or call cops if he insist to stay!” sabi niya sabay kaladkad sa akin papunta sa may emergency exit.

Oh my ghad! Dito ba kami dadaan?! Hindi naman out-of-order ang elevator ah! Nasa 21st floor kaya kami, hello!

Halos hingal na ako kakasabay sa mabibilis na lakad ni Sir. Eh hindi naman ako makatigil kasi nga hawak niya braso ko. Kung nasa ibang senaryo siguro kami baka kinilig na ako. Pero ngayon mas uunahin ko ang paghinga kesa sa paglandi.

Ang ipinagtaka ko pa, hindi pala kami papuntang baba kundi pataas. Which is sa 30th floor.

“S-sir—“

“Shut up! Just walk!” sigaw nanaman niya. Gusto ko sana si Sir icorrect eh. Hindi naman kasi kami naglalakad. Siguro para sakanya. I’m half running kaya!

Nananakit ang mga muscles ko nang makarating kami sa pinakatuktok nang building. Isang spacious hall ang tumambad sa akin. First time ko kasing makaakyat dito eh. Ano naman kaya gagawin naming dito? Magta-tango?

“Follow me.” he said as he let go of my wrist.

Sinundan ko naman si Sir. Binuksan niya ang malaking pinto at doon ko napagtanto na isang rooftop pala siya. So half rooftop half hall siya gano’n?

Katatapos lang nang ulan kaya medyo makulimlim pa. Basa din ang sahig kaya dahan-dahan lang akong naglalakad.

Hindi kaya balak akong ihulog dito ni Sir? I reached his limit kaya ngayon papatayin niya na lang ako?

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon