Chapter Forty

52.4K 1.4K 35
                                    

Sorry for the delay of update.

Chapter 40

NASA baba kami nang office ni Ivo at tahimik lang kaming nakatayo sa entrance. Siya napapakamot sa leeg samantalang ako nahihiya sakanya.

“Ivo, ayaw kitang madamay sa problema namin ni Kent. Sorry kanina, ah.” sabi kong nakatingin sa baba.

“Matagal na akong damay, Theyn.” He beamed at me and tapped my back. “Be strong, okay? Kapag hindi mo na kaya ako ang back up mo.” Sincere niyang sabi kaya napangiti na ako sakanya.

Tiningnan ko ng maigi si Ivo. Crush ko siya dati at halos mag-drool ako sa kagwapuhan niya. Pero bakit hindi ako nagkagusto sakanya? Bakit hindi ko siya mahal gayong napakabuti niya sa akin? Kasi sa totoo lang, hindi siya mahirap mahalin. Napaka swerte ng babaeng mamahalin niya ng totoo.

“Why are you staring at me like that?” he asked. Umiling naman ako sakanya.

“Salamat sa lahat, Ivo, ah?”

“Sus, wala ‘yon. Ikaw pa.” kumindat siya sa akin kaya nahampas ko braso niya.

“Umuwi ka na. Baka nakaka-istorbo pa ako.” Biro ko sakanya.

“Haha, sige na.”

“Ingat,” sabi ko. Tumalikod siya at naglakad na. Pero bago pa siya makalayo, lumingon siya sa akin tapos ngumiti.

“Theyn,”

“Hmm?”

“Sana kailanganin mo ulit ako.” He said that tapos tuluyan ng umalis. Hinintay ko siyang mawala sa paningin ko bago ako bumalik sa loob ng building.

Bago ako bumalik sa taas ay pumunta muna akong comfort dito sa baba. Walang tao sa loob pati rin ata sa cubicle.

 I stared at the mirror saka ngumiti. Kahit ngumiti ako halata pa rin naman na malungkot ako.

“Magiging okay din ang lahat.” Bulong ko sa sarili ko. I closed my eyes para maging normal ang tibok ng puso ko. Pero kahit anong pikit ang buntong-hininga ang gawin ko, masakit pa rin. Hindi maaayos ang problem akong ‘to sa isang kisap-mata.

Naramdaman kong biglang humangin kaya minulat ko mga mata ko. Nagulat na lang ako at napaatras na makita kong hindi na ako nag-iisa. A man wearing a black cloak standing next to me. paglingon ko sa tabi ko, wala naman akong kasama. Tiningnan ko ulit ang salamin at nandoon siya—nakatayo.

Nagtindigan ang balahibo sa braso ko. Pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makasigaw. Nanlalamig din ang buo kong katawan at hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko kahit gustong-gusto ko nang tumakbo.

“Theyn,” isang mababang boses ang nagsalita. Sobrang lalim nito na parang galing sa pinaka ilalim ng mundo.

“L-layuan mo ako!” I tried my best na hindi ipahalata na hindi ako natatakot pero alam kong sobrang obvious ng facial expression ko. Sino bang hindi matatakot? Ni hindi ko nga alam kung anong klaseng nilalang ang nasa tabi ko.

“Huwag kang matatakot sa akin, Theyn.” Nagulat na lang ako nang biglang magbago ang boses niya. Tinanggal niya ang takip sa ulo at tumambad sa akin si Cindy. At kagaya no’ng huli ko siyang nakita, magulo ang buhok niya at sobrang putla niya.

“C-Cindy! B-bakit…b-bakit sa salamin lang kita nakikita?” nanlalaking mga matang tanong ko.

“T-tulungan mo ako, Theyn.” Nagmamakaawa ang mukha niya at parang hirap na hirap sa nangyayari sakanya.

“P-patay ka na! A-alam kong hindi pa natatahimik ang kaluluwa mo pero…”

“Binuhay nila ako, Theyn! Ginawa nila akong kasapi nila!” mangiyak-ngiyak niyang sabi.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon