Chapter Twenty-Three

67.3K 1.9K 110
                                    

Chapter 23

Dedicated 'to sa'yo kasi ikaw ang napakatsagang sumusporta sa mga story ko. :) Salamat ah! ^___^

“Oh, kanino galing ‘yan?” tanong ko sa dalawa kong kapatid na naabutan kong kumakain ng chocolate ice cream. Hindi sila sumagot at ngiti lang ang iginawad sa akin.

“Haay. Si Kent talaga.” Nasabi ko na lang. Wala namang ibang magbibigay sakanila ng isang gallon na ice cream kundi siya lang. Akala ko ba may pinuntahan siya? Kanina kasi nagpaalam siya na may aasikasuhin sa labas. Hindi na naman ako nagtanong pa kasi busy din ako para sa bagong business proposal na na-approve niya kamakailan lang.

Pumunta ako sa kwarto para magbihis. Medyo nagulat pa ako nang may nakita akong isang stem ng red rose sa kama ko. May maliit siyang note at nakalagay lang do’n ‘For you, my boss’.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Halos ilang buwan na din ang nakakaraan simula ng maging kami. Hindi ko masasabing nagbago na ng ugali si Kent. Pero kahit papa’no, may changes din naman. Bumalik na sa dati ang relasyon nila ni Sir Migo. Hindi na siya laging nakasimangot sa mga empleyado at hindi na siya basta-basta nangsisisante.

Paminsan-minsan nag-aaway din kami. Pero kahit kailan ata hindi ako mananalo sakanya. Lahat ng pinag-aawayan namin kahit siya ang mali nagagawan niya ng palusot at nagmumukhang ako ang mali. Hard headed kung minsan at kailangan ko pang ipaalala sakanya na hindi na siya si Kent sungit kundi si Kekoy na ikinaasar niya lagi kapag tinatawag ko siyang gano’n.

Tulad na lang ngayon, nasa opisina siya at hindi niya ako pinapansin. Ako lagi ang nag-aadjust sa relasyon namin eh. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Iniintindi ko siya at kapag malapit ng maubos ang pasensya ko, inaalala ko lang na mahal ko siya.

“Kent, pirmahan mo daw ‘tong—“

“Call me Sir!” galit niyang sabi. Napamaang lang ako. Nakakabanas talaga siya. Ganyan ‘yan, kapag magkaaway kami, ipinipilit niyang tawagin ko siyang Sir tapos kapag tinatawag ko siyang Sir nagtatampo at kinahihiya ko nanaman siya. Napaka-abnormal!

“Menopause!” bigla ko na lang na nasabi. Napaangat siya ng tingin sa akin at inis nanaman ang mukha.

“Sinong menopause, Torres?”

“A-ako! Sabi ko menopause na ako!”

Akala ko hindi ko kayang tiisin ang ugali niya. Pero natiis ko nga siya ng dalawang taon, ano pa kaya ngayon. Pero iba na ngayon, girlfriend niya na ako kung nakakalimutan niya.

“Tsk! Lumabas ka na nga at makipagtext ka na lang sa mga ka-textmate mo kung sino man ‘yan at ‘wag mong sagutin ang tawag ko!”

“Textmate? Ang edad kong ito makikipag text mate pa ako? And for your information Mr. Manjon, company cellphone po ang hawak ko kanina so kung nakita mo man akong nagtetext ibig sabihin regarding business ‘yon.” Pagkasabi ko no’n ay tinalikuran ko siya.

“And where do you think you’re going?!” nilingon ko siya na parang hindi makapaniwala sa narinig.

“Sabi mo umalis ako.” I stated the obvious.

“So papakinggan mo ang sinabi ko? Hindi ka mag-eexplain?”

“Kapag sinuway kita magagalit ka! Ngayong sinusunod kita nagagalit ka din! Ano ba Manjon, para kang babae!”

“So lahat ng sasabihin ko susundin mo?” he said.

“Yon naman ang gusto mo, diba?”

“Paano kapag galit ako at nasabi ko sa’yong hihiwalayan na kita, hahayaan mo?”

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon