Chapter Three

89.4K 2.4K 303
                                    

Chapter 3

Para akong nagbuhat ng dalawang sako ng bigas. Ang bigat ni Sir. At hanirapan akong iakyat siya papunta sa kwarto niya. Pano ko nalaman nkung saan kwarto niya? Sarili ko na lang ‘yon na diskarte.

Tumawag na kaya akong doctor? Tapos sunod no’n pulis para maireport ko ang nangyari kay Sir?

“Ano bang gagawin ko sayo? Kasi naman Sir eh!” natataranta na ako dahil nakikita ko siyang nasasaktan talaga.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang ideya na h’wag tatawag ng doctor o pulis. Ewan, my instincts tell me na it’s a bad idea. Bumaba ako sandali papunta sa kusina para kumuha ng maliit na palanggana at bimpo. Kumukaha din ako ng first aid kit sa CR para magamot ko ang mga bruises ni Sir.

Piniga ko ang bimpo sa maligamgam na tubig saka ko ipinunas kay Sir. Walag malisyang hinubad ko ang pantaas niya. Kahit napapalunok na lang ako sa abs niya. Naakit tuloy akong hawakan ‘to. kaso baka magising, mahirap na.

Habang nagpupunas sa malaadonis na katawan ni Sir, doon ko lang napansin na may dumi ng lupa ang braso ni Sir. Baka magpagulong gulong si Sir sa lupa? Feel niya kayang mag-isip bata muna?

“Ughhh…”

“Sorry po.” Nasabi ko ng mapamali ako ng paggamot sa sugat niya. Nilagyan ko ng benda ang ehem—abs niya. Kasi mukhang doon nanggaling yung sakit.

Matapos kong ma-sponge bath si Sir, pinalitan ko na din ang pambaba niya. H’wag ng magtanong kung paano. May talent ata ako na ngayon ko lang nalaman.

Pinatay ko na din ang aircon at ang lamig pala ng balat ni Sir. Nilalamig siya.

Paalis na sana ako para ibalik ang first aid kit sa CR ng maradaman kong may humigit sa kamay ko. Paglingon ko, si Sir. Nakapikit habang hawak ang kamay ko. May kung ano akong hindi maintindihan sa sarili ko.

“Please don’t leave me.” he said while eyes close.

Para namang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. Ano ka ba, Theyn. H’wag mong lagyan ng ibang meaning ang sinabi ng Sir mo! Hindi naman eh. Nagulat lang.

“I won’t.” tanging sagot ko. Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. Inilapag ko naman ulit ang kit saka ako umupo sa gilid ng kama ni Sir. Hinawakan ko noo niya at malamig pa din. Parang nagyeyelo sa sobrang lamig.

“Nilalamig po ba kayo, Sir?” nakita kong may ngiting sumilay sa labi niya. OMG! Ngumiti nga siya.

“I’m ok now.” He opened his eyes. “Thanks to you.” He added.

“W-wala po ‘yon. Trabaho ko ang pagsilbihan kayo.” Sincere kong sabi. Hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Sir. First time ko siyang makitang ngumiti at kinkilig ako.

“Pwede ka ng umalis, Ms. Torres. Salamat sa pag-aalaga.” Naupo siya sa kama. Bumalik na din sa dati ang mukha niya. Para bang natauhan siya sa lahat.

“Gusto niyo po bang ipagluto ko kayo? Nagugutom po ba kayo?” pag-iiba ko sa usapan. Para kasing ayaw ko pang umalis eh. Gusto ko pa siyang alagaan.

“Is your blood available?” sabi niya na ikinakunot noo ko. Ano naman kinalaman ng dugo ko? Tinatanong ko siya kung gutom siya—OMG! Hindi kaya balak ni Sir na gawing dinuguan ang dugo ko?

“Just leave, ok?” tumalikod siya sa akin.

“Pero Sir—“

“Just leave and please don’t tell anyone what happened. And I appreciate you not calling for doctor or police.” He said.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon