Chapter Eighteen

61.6K 1.7K 22
                                    

Chapter 18

Last POV ni Kent…

            Cindy’s death brings a lot of gossips inside my company. I tried to be casual as ever. Ayaw kong alalahanin ang nangyari kagabi. Hindi ko rin alam kung bakit biglang may sumulpot na blood sucker dito sa mundo ng tao. Ang alam ko, sa gabi lang sila gumagala at karaniwang silang nagkakalat ng lagim kapag kabilugan ng buwan at kapag oras ng pagtulog ng tao.

            Alam namin ni Ivo na magtataka ang tao sa kagat sa leeg ni Cindy kaya hinayaan ko siyang gilitan ang leeg ng babae para hindi magmukhang isang nakakatakot na nilalang ang sumalakay sa babae. Isa pa, madudungisan ang pangalan ng kumpanya ko. I won’t let that happen.

            Hindi ko na naman alam na sa may estero pala siya dinala ni Ivo para magmukhang karaniwang na krimen lang ang nangyari. Hindi namin pinagtatakpan ang mga blood sucker dahil para sa’min kaaway sila. Pero kailangan dahil kapag nabunyag sila, pati kami damay. At hindi kahit kailan malaman ng buong mundo na may totoong vampira.

It was afternoon and I thought of asking Theyn to give me the reports of the Villegas Project. Pumunta ako sa table niya pero wala siya. Saan ba siya pumunta? Ah baka nag CR lang. Bumalik na lang ako sa loob ng opisina ko at nagpatuloy sa pagtrabaho.

Hanggang sa narinig kong nag-ring ang mga linya sa mesa niya. Why is she not answering? Where the hell is Theyn?

Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa mesa niya. Wala akong pakialam sa mga tawag. Ang concern ko a kung bakit wala siya. Yes it is break time pero kailangan niyang magpaalam sa akin kung aalis siya.

Bumalik ako sa opisina ko at dumungaw sa overlooking glass panel.

Napakunot akong makita ko sa baba. Alam kong nasa 21st floor ako pero si Theyn ang pinag-uusapan kaya parang nag zoom in automatically ang mga mata ko. Nakasunod sakanya si Ivo at doon nag init ang ulo ko.

“That vampire really don’t know how to stop!” galit kong sabi.

Hindi ako mapakali sa loob. Pa’no kung ano-anu na lang ang mga pinagsasabi ng vampirang ‘yon?! Pa’no kung sinisiraan na pala niya ako kay Theyn at ang inosenteng Theyn Torres ay naniwala naman?

Sh-t lang pero hindi ako makakapayag!

Palabas na sana ako ng opisina nang marinig ko ang elevator na nagbukas. Agad naman akong lumabas at doon ko nakita si Theyn at medyo basa ang buhok niya dahil sa maulan sa labas.

“Follow me!” ma-awtoridad kong sabi. Pagpasok na pagpasok niya sa opisina ko ay agad akong nakaramdam ng selos at inis dahil dala niya pa din ang nakakabulasok na amoy ni Ivo.

“WHERE’VE YOU BEEN?!” Bulyaw ko agad. Hindi ko na talaga ma-kontrol galit ko.

“S-sir…”

“I WAS FLOODED WITH PHONE CALLS BECAUSE YOU’RE NOWHERE TO BE FOUND! SAAN KA BA NAGSUSUSUOT, HA?!” I said kahit alam ko naman kung saan siya galing. Damn I wanted to run towards her and beg her to stay away from Ivo. But I don’t have the strength to do that. I’m a coward when it comes to my feelings for her.

“P-pasensya na po, Sir. H-hindi ko po sinasadya.” Nauutal niyang sabi.

“DAMN IT! Get out!” Hindi ko mapigilang sabihin. Ayaw ko siyang sigawan. Lahat ng gusto kong gawin ay nagiging kabaliktaran ang lumalabas.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa nararamdam ko para kay Theyn. Kasalanan ko din kasi hindi ako nag eeffort para magustuhan niya. Maybe she don’t deserve me.

Nagulat na lang ako nang biglang pumasok sa opisina ko si Ivo at namumula ang mga mata niya.

“Wala kang karapatang sigaw-sigawan si Theyn! Kung galit ka sa akin mo ‘yon ibuntong!” mariin niyang sabi.

“Stay out of this, Primotivo!” I warned him.

“No I won’t, Kent!”

“Get out of my office or I’ll drag you out using my fangs!”

“Make me!”

“You really wanna try my patience, huh?”

“Let go of Theyn. Then and only then—I’ll leave this hellhole!” naningkit ang mga mata ko. She’s mine. At kahit kailan hindi ko hahayaan na mawala siya sa akin.

“She’s my secretary!” I saw him smirked.

 “Only because you—ugh!” Napahawak siya sa noo niya at mukhang galit na rin. The hell with him. Wala siyang karapatang magalit. “Bakit ba hindi mo na lang hayaan na sa akin siya mapunta”

“Hindi siya isang manika na basta-basta lang pinamimigay. Nasa akin siya kasi secretarya ko siya. At kung ‘yon ang dahilan para manatili lang siya sa tabi ko, then she’s going to be my secretary forever! You don’t have the right to just barge into our lives because you know from the start ako ang unang nakakilala sa kanya! Ako ang unang nagkaro’n ng pakialam sa kanya at ako lang ang vampirang may karapatang mag mahal sakanya!” matigas kong sabi that made him speechless. “So if you’ll excuse me. I’ll appreciate your life kung aalis ka sa teritoryo ko.” Pagkasabi ko noon saka siya lumabas ng opisina ko. Sumunod naman ako sakanya.

 “Uy Kent. Na kay Theyn na ‘yung—“ Hindi ko pinansin si Migo at bigla ko na lang na hinigit ang braso ni Theyn.

“May pupuntahan tayo!” sabi ko kay Theyn tapos tumingin sa gawi ni Migo. “Make that creature leave! Or call cops if he insist to stay!” sabi ko sabay kaladkad sa kanya papunta sa may emergency exit.

That day, I made a sudden decision na h’wag ng tumuloy sa Palawan. Alam kong masusundan kami do’n ni Ivo. I told her na si Lorelei at si Hunter ang makakasama ng dalawa niyang kapatid doon. Kahit hindi ko pa nasasabihan si Lorelei, alam ko naman na papayag siya. Hindi ko nga lang alam kay Hunter kasi sabi sa akin ni Lorelei, nagiging matigas daw ang ulo ni Hunter at laging snob.

Akala ko magiging ok na ang lahat. Akala ko si Ivo lang ang panggulo sa akin. Pero nagulat na lang ako nang atakehin nang blood suckers si Theyn. I was there the whole time. I am the one who saved her. Kaya sobra akong nanggagalaiti kasi iniisip niyang si Ivo ang nagligtas sa kanya. I am his knight! Not Primotivo!

If only I can force her to like me I’ll do that. Akala ko nga may patutunguhan ‘yung paghalik ko sakanya. I was expecting atleast she will respond to it. But I was wrong. Kailan ba ako naging pagdating sakanya?

Kung pwede lang na pikotin ko siya. That was a desperate move but why not right? Kung kapalit naman no’n ay magiging akin siya—then I’ll do it.

xxxxx

A.N: Ang next update po ay from the present. Back to Theyn's POV. Owrayt? :))

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon