Chapter Twelve

74.8K 2K 74
                                    

Chapter 12

 

Hingang malalim, Theyn. Hindi na galit sa’yo ang boss mo. Pwede ka nang pumasok sa loob. Pero nahihiya pa din kasi ako. Tsaka tatanungin ko lang naman siya kung tuloy kami sa lamay ni Cindy.

“Come in.” nagulat ako nang mag-salita si Sir. Natampal ko na lang ang sarili ko. Malamang alam ni Sir na kanina pa ako nakatayo sa harap nang pinto niya kasi frosted glass ang texture nang pinto. Aish! Stupid Theyn!

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob . Agad kong nalanghap ang mabangong scent ni Sir. Nakakaakit. Parang gusto ko siyang sugudin nang yakap.

“What do you want?” he said without looking at me. Ang sarap sumagot nang ‘I want you, Sir.’ Pero syempre hindi ko ‘yon kaya. Baka ipagdasal ko sa lahat ng santo na i-transcend ako dahil sa kahihiyan.

“I-itatanong ko lang po sana kung tuloy tayo sa—“

“Yes! May tinatapos lang ako. Hintayin mo na lang ako sa parking lot.” Sabi niya. Tumango lang ako. Tumalikod na ako saka lumabas sa opisina niya. Nagretouch lang ako ng konti saka ko na rin inayos ang mga gamit ko. Tinext ko din si Haril na late ako uuwi kaya mauna na silang kumain ni Mica.

Bumaba na ako sa may parking lot. Nasalubong ko din si Jean na pauwi na dahil pupunta sa lamay ni Cindy.

“Eh sinong kasama mo sa pagpunta?” tanong niya.

“Si Sir.” Sabi ko.

“Talaga? Kung hindi lang ako nagluluksa sa kaibigan natin baka biniro na kita tungkol kay Sir.” Sabi niya saka bumuntong hininga.

“Uy ano ka ba. Kung buhay pa si Cindy, for sure ayaw niyang nalulungkot tayo. Kilala mo naman siya diba?” tumango naman si Jean sa akin. “Nasa’n nga pala si Florence? Hindi niya ako sinipot kanina sa Pizza Haus. Tinext niya ako na mag-snack kami do’n e.” Sabi ko na ikinakunot ng noo ni Jean.

“Kasama ko si Flo kanina. Hindi naman niya sa akin nabanggit na magkikita kayo.” Sabi ni Jean. “Tsaka pa’no ka itetext ni Flo eh kanina nawawala ang cellphone niya? At ang weird pa kasi nakita naming ‘yung phone niya sa drawer ko. Muntik na nga kaming mag-away kasi akala niya pinagtitripan ko siya.”

“Hala? Nagtext kaya siya sa akin. Ipabasa ko sa’yo ang text niya ah.” agad kong kinuha ‘yung phone ko sa bag saka ko ‘yon ini-scan. Ipinakita ko ang text ni Flo sa akin.

“Ay Oo nga. No’ng oras na ‘yan nawala ‘yung phone niya. Tapos after mga 15 minutes nakita na naming sa drawer ko.”

“Hindi ka ba nagbibiro?”

“Bakit naman ako magbibiro?” seryosong sabi ni Jean. Bigla na lang nagtayuan ang balahibo ko sa braso. Jusko! Nakakatakot naman!

“Hindi kaya…” Jean trail off and look scaredly looked at me. “Hindi kaya nagmumulto si Cindz?” natatakot niyang sabi.

“Hoy, Jean ah! Hindi nakakatuwa ‘yung ganyang joke!” sabi ko kahit sa totoo eh sumagi din ‘yon sa isipan ko.

“Kung gano’n ipaliwanag mo ang nangyari.” Sabi niya. Hindi naman ako makaimik.

“Haay naku! Mauna na nga ako sa parking lot. Baka nando’n na si Sir.” Sabi ko sakanya habang binabalewala ang kaba sa dibdib.

Narating ko naman ang basemet kung saan ang parking lot. Wala pa si Sir. May mga iilang kotse pang naka-park na pag-aari nang mga C-Suit.

Pumunta na lang ako sa kotse ni Sir. Dito ko na lang siya hihintayin. Sinandal ko ang likod ko sa hood nang kotse ni Sir. 

Napayakap ako sa sarili ko nang biglang humangin ng malakas. Napapikit ako kasi feeling ko may kasamang buhangin ang hangin. Nakakapangilabot ang lamig nito. Parang lamig ng morge.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon