Chapter Two

97.9K 2.5K 197
                                    

Chapter Two

“Mag-resign ka na.” napatalon ako sa nagsalita sa likuran ko. Dala-dala ang tray for lunch, nilingon ko si Sir Migo. Siya ang COO ng companya kaya boss ko pa din siya. Hindi ko nga alam kung bakit ako nito pinapansin eh.

“S-sir… K-kayo po pala.” Nakangiti kong sabi. May dala din itong Tray at may lamang pagkain. Bilib ako dito kay Sir kasi sa lahat ng mga C-Suite, siya lang ang nakikihalubilo sa mga kagaya ko.

“Ako nga. Ang sabi ko mag-resign ka na.”pag-uulit niya sa sinabi niya. Kinuha ko lang ‘yung salad saka umalis na sa pila. Naramdaman kong sinusundan ako ni Sir Migo. Wala namang malisya dito kay Sir kasi friendly siya sa lahat. Kung saan niya mapiling maki-upo do’n siya. And I guess sa akin siya makikipag-lunch ngayon.

“Eh wala na po ako niyang trabaho kapag ginawa ko ‘yan.” Sabi ko nang makaupo kami sa table.

“Then be my secretary. Hindi mo kailangan magtiis sa CEO. Same benefits, but enough sleep.” Sabi niya saka tumawa ng malakas. “Para kang zombie alam mo ‘yon? Well beautiful Zombie.”

Napahawak naman ako sa pisngi ko. Puyat talaga ako dahil these past few months, madaming pinapagawa si Sir. Wala siyang habag sa isang tulad ko.

“Sanay na po ako, Sir Migo.” Ngumiti ako sakanya. Umiling-iling naman siya.

“Sinasayang mo ang ganda mo. Though I salute you kasi ikaw lang talaga ang natatanging nagtagal na secretary niya after 5 years before you were here.”

“Salamat sa compliment, Sir. Pero hindi ko po iiwan si Sir Kent.” Confident kong sabi. Natawa naman siya sa akin. Mali ba ‘yung sinabi ko?

“Kung ako si Kent, baka kinilig na ako sa sinabi mo.” Sabi niya sabay kain.

Napakunot na lang ako sa sinabi ko. Mali nga pala. Feeling in a relationship naman ako kay Sir Kent. Tsk tsk.

Dati, nagtataka ako kung bakit ganyan ang ugali ni Sir. Pero dahil sa tagal ko na din sa kompanya niya, lagi akong nakekwentuhan nila noon na 5 years ako before I was here, hindi daw ganyan si Sir.

Oo, maawturidad na talaga si Sir before pero bigla daw itong nagbago. Mainitin na daw ang ulo at hindi na sumasabay kumain sa kapwa C-Suite niya. So ibig sabihin, 7 years nang masungit ang boss ko.

Ano nga ba nakapagpabago sakanya? Na-heartbroken kaya siya? Imposible naman kasi sabi nila, wala daw itong pamilya at tanging minahal lang nito ay ang pamangkin neto.

Sabi pa nila, wala daw pinag-iiba ang hitsura ni Sir. Parang hindi tumatanda. Siguro gano’n talaga kapag mestizo.

Malakas ang ulan na lumabas akong opisina. Wala pa naman akong payong. Nag-overtime ako kasi may pinatapos pa sa akin si Sir. Buti nga at pinauna na niya akong pauwiin. 10 na din naman kasi. Sana lang h’wag niya akong tawagan sa medaling araw. Gustong-gusto ko talaga matulog. Tsaka nag-aalala ako sa dalawa kong kapatid kong kumain na. Baka nag delata nanaman ‘yon.

Kahit malakas ang ulan sinuong ko pa din ito makapunta lang sa waiting shed kung saan pwede akong makasakay sa jeep o kahit taxi. Hindi kaya magkasakit ako neto? Puyat plus nagpaulan.

At dahil sa swerte ako, walang dumadaan na jeep o kahit taxi. Basang-basa na ako at nilalamig.

After mga 30 minutes tumila din ang ulan. Napagdesisyunan kong maglakad na lang pauwi. Isang kilometro lang naman ang layo at kayang kaya ko ‘yon. Sana lang walang mga lasing sa daan. Wala pa naman akong dalang pang self-defense.

Mabilis na akong naglalakad nang makita ko sa ‘d kalayuan na may grupo ng lalaki na pasuray-suray na naglalakad. Kinabahan agad ako.

Konti na lang talaga masasalubong ko na sila. Pero nagtaka ako nang makarinig ako ng mabilis na harurot ng kotse. Napalingon ako at nakita kong may humintong itim na kotse sa gilid ko.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon