Chapter Forty-Eight

49.3K 1.3K 36
                                    

Chapter 48

“Hi, Theyn.” Napalingon akosa tumawag sa akin nang lumabas akong room.

“H-hi, Sean.” I awkwardly replied. Bakit ba nandito nanaman siya? Kahit talaga ilang beses ko siyang taguan lagi niya akong nahahanap. He’s the most annoying admirer I’ve known.

“May I carry your—“

“Sean, no. how many times would I have to tell you to stop this…this whatever you’re doing. Don’t expect anything from me because you knew from the start I already have a boyfriend in the Philippines.” And not just an ordinary boyfriend. I wanted to add but I tried to control my annoyance and to lesten my rudeness kasi sa totoo lang, nakakaawa siya.

“I was just hoping that maybe one day you could give me chance to show how much I like you.” Inayos niya ang kanyang salamin at ‘yung hitsura niya parang maiiyak na. Para naman akong tinamaan ng konsensya. Pero ayaw ko naman siyang hayaang umasa dahil lang sa naawa akong bastedin siya. Mabuti pang mas maaga malaman na niya. Though isang taon ko na siyang pinagtatabuyan.

“Sean, you know what? You handsome and smart and I’m sure a lot of girls is also hoping for your attention. Divert your attention to anyone.” Seryoso kong sabi. Sean is hansome. May salamin siya kasi ginagamot daw ang mga mata niya for 6 months kasi noong una ko siyang makilala wala naman siyang salamin. he was introduced by my blockmate last year at simula noon hindi na niya ako tinigilan. Sayang lang kasi ang dami rin sakanyang nagkaka-gusto. Sabi nga ng mga kaibigan ko, sa akin lang daw siya nauutal. Pero hindi ko talaga siya kayang gustuhin. Sobra akong faithful kay Kent at hindi ko na magawang maka-appreciate ng ibang gwapong lalaki. He’s more than enough for me. Para sa akin siya ang pinaka gwapo at wala ng tutumbas pa sa pagmamahal ko sakanya.

Iniwan niya akong nakalaylay ang balikat. Actually hindi lang naman si Sean ang naglalakas loob na magpakita ng kanilang feelings. Marami ako ritong nabasted at salamat sa kaibigan kong si Macy kasi siya ang hihingan everytime mayroon akong gustong bastedin. Ewan ko nga sakanila kung bakit nila ako nagugutuhan. Totoo ata talagang magnet ng Pinay ang gwapong Americano.

“Theyn!” tawag sa akin ni Macy galing sa kabilang room. “You wanna come over to our house? My brother’s throwing a party tonight and all fellas in our department are invited.” Tanong  niya sa akin. Ka-block mate ko siya at close friend na rin. She was half American and half Spanish at sa totoo lang natotomboy ako sa ganda niya. Napaka effortless ng ganda and super bait. Ganito kasi ang mga estudyante dito, every Friday night may party at uso dito ang TGIF at party all night hanggang Sunday morning. 

“I don’t know, Macy. My boyfriend is expecting a call from me and you know he will be pissed if I miss a call from him,” I told her. She just grimaced at parang sanay na sanay na sa dahilan ko. Well actually she is. Dalawang taon na kaming magkaibigan since the first day of school and she’s very aware na kausap ko si Kent kapag gabi.

“Let him miss you just for a night. Please, Theyn?” pinagdikit niya ang dalawang kamay niya at nagpaawa at pinitik-pitik pa ang kanyang mahahabang pilik mata. Haaay. Bakit ba ang galing niya magpaawa?

Hindi ako umimik. We’re just staring at each other and believe me. Para siyang may gayuma.

“I’m going to make your book report just attend the party.” Sabi niya dahilan para magulat ako. Matagal na akong namomroblema sa book report ko dahil sa topic na binigay sa akin.

“Alright,” pikit mat akong sabi. Bahala na kung magalit si Kent. Isang beses lang naman at medyo gusto ko rin kasi ang offer niya. Nahihirapan talaga ako sa book report na isa sa requirements para makapag third year ako next school year.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon