Kabanata 68

10.5K 253 42
                                    

SPG: Sexual

Kabanata 68, Nasa Loob

"What's the meaning of your tattoo?" Tanong ko habang tinitignan ang karakter sa kanyang dibdib.

Nakapirmi ang aking ulo sa kanyang braso't nakapulupot sa amin ang kumot. Saglit na nalipat doon ang kanyang atensyon.

"Endlessly devoted." Sagot niya sabay patak ng halik sa aking noo.

Namilog ang aking labi. Tinitigan niya ako ng ilang sandali. Kung dati'y hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon, ngayon ay namamataan ko roon ang lambing at pag-iingat.

Maliit akong ngumiti.

Saglit kaming natahimik. Ramdam ko ang paninitig nito sa akin at pinasadahan ko ng haplos ang kanyang pisngi. Gusto kong makasigurado kung totoo nga ba ito't hindi panaginip.

Kalakip ng aking tuwa ay ang takot. Ang kaba. Wala akong ibang maisip kung ano na ang plano namin ngayon? Pagkatapos ng nangyari? Ano nang gagawin ko? Oo, nagkausap na kami. Pero pagkatapos ay ano? Ano nang gagawin namin?

There's no way I'm going to lose him again. Pero paano namin sasabihin? Paano si Carlos? Paano iyong pamilya niya? Paano namin ito malalampasan? Kaya ba namin?

Paano kung mawala ko nanaman siya sa prosesong ito?

"I'm scared." Bulalas ko noong magtama bigla ang aming tingin.

Napalitan ng kung ano ang kanyang tingin. Nabahiran iyon ng pag-aalala.

"Why?" Tanong niya sabay singit ng ilang takas na buhok sa likod ng aking tainga.

"Hindi tayo sigurado..." sagot ko. "Saka, babalik na ako sa Manila sa susunod na araw..." may kung anong bukol ang umangat sa aking lalamunan.

Parang ayaw kong buksan ang paksang iyon ngunit hindi rin maiiwasan. Mas gusto kong mapagplanuhan na namin kung anong gagawin hangga't maaga.

"Yeah..." maikli niyang sambit. "I'm not stopping you from going back."

Marahan niya akong tinignan. "May buhay ka roon..."

Napalunok ako. Hindi nakukuha ang kanyang sinasabi. Gusto niya ba na umalis ako? Hindi ba kami gagawa ng paraan..?

"H-how about us?" Maliit ang aking boses. Bahagyang natatakot.

Sinabi niya na hahayaan niya na ako pagkatapos nito. Pero tototohanin niya ba? Alam niya namang nakapag-usap na kami?

Hindi siya sumagot. Imbes ay mabilis siyang lumapit upang gawaran ako ng halik. Dumapo ang aking kamay sa kanyang dibdib upang humiwalay.

"I want us to stay like this..." nanginig ang aking boses pagkasabi ko noon.

Nagtiim ang kanyang bagang. "We will angel..." aniya. "Soon, you'll sleep in my chest every night without worrying..."

Hindi ako nakasagot. Bagkus ay muli ko lamang siyang inabot. Nang napansin iyon ay agad niya rin akong ginantihan.

Pumirmi ang kanyang kamay sa aking panga upang mas mahapit ako palapit.

"Trust me..." mahina niyang sambit noong humiwalay siya. "Trust me and wait."

Naramdaman ko ang pagpiga ng aking puso ngunit masyado akong nalasing sa kanyang haplos.

"Let me carry all of the burdens for you Ivana, huwag kang mag-isip."

Maliit akong ngumiti. Pilit na iwinawaglit ang bagay na inaalala ko.

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now