Kabanata 22

14.1K 338 151
                                    

Kabanata 22, Gusto kita

"Gandang umaga." Si Caspian na may hawak ng aserong siyanse ang bumungad sa akin paglabas ko ng banyo kinabukasan ng umaga. Katatapos ko lang magsepilyo.

Bumagsak ang panga ko ng salubungin din ako ng kanyang dibdib na bahagya pang pawisan dahil sa init.

Uminit ang aking pisngi at mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Gandang umaga..." bati ko at dumiretso sa kusina para makainom ng tubig.

"Umalis si Kyla. Si Chester nasa kwarto pa." Aniya.

Naamoy ko na ang kanyang nilulutong bangus. Naramdaman kong bahagyang kumulo ang aking sikmura dahil doon.

"Okay."

Muli siyang bumalik sa pagluluto. Agad naman akong kumuha ng pitsel kung saan nakalagay ang tubig.

"Aalis ka?" Tanong niya. Hindi ako agad sumagot at uminom na ng tubig.

Sa totoo niyan. Iniisip ko kung talagang papasok ako ngayong araw o hindi muna. Baka pahupain ko muna ang kanilang mga reaksyon...

"Siguro." Maikli kong sagot at akmang babalik sa labas ngunit muli akong hinarap ng isang matikas na dibdib!

Namilog ang aking mata at napatingin sa kanyang mukha! "Ano ba?" Maliit na boses kong tanong.

"Aalis ka?" Ulit niya. Inilapit niya ang kanyang mukha at itinukod ang dalawang kamay sa aking gilid.

Halos tumulo ang laway ko kakanganga kaya agad akong napayuko.

Tinitigan ko ang paa naming dalawa. Ugh! Hindi ko man lang namalayan ang kanyang paglapit!

"Siguro nga..." pagmamatigas ko sa isang bulong.

Hinuli niya ang aking tingin gamit ang kanyang hintuturo. Inangat niya ang aking mukha at halos manuyo ang aking lalamunan habang tinitignan ang kanyang malalim na mata.

"Huwag kang magtrabaho." Aniya. Hindi galit ang boses niya. Hindi inis. Malumanay. Nakakapanghalina.

Parang dudugo ang aking ilong sa hindi pagiging balanse ng aking emosyon!

Concentrate Ivana! Concentrate! Huwag kang magpatalo. Hinuhuli ka lang niya!

"Sinabi ko nga siguro, pwedeng oo at pwedeng hindi." Tikhim ko at nag-iwas muli ng tingin.

"Please..." Aniya.

Muling bumalik ang aking atensyon sa kanyang mukha at namataan ko ang paglalambing sa kanyang ekspresyon.

Parang may kung anong bumalik sa aking lalamunan— parang namumuong tili na hindi ko maipaliwanag!

"H-hindi ko nga sigurado, ang kulit mo." Lumiit ang aking boses.

Tinignan niya ako ng ilang sandali bago siningit ang takas na buhok sa aking tainga. "Huwag ka ng magtrabaho. Sumama ka na lang sa akin."

Dinilaan ko ang aking labi. "Ano namang gagawin ko?"

"You'll see." Aniya. Pagkasabi niya noon ay siya na ang umatras.

Pinanood ko ang maayos hulma ng kanyang muscles sa likod. Napalunok ako. Saan nanaman niya ako dadalhin?

Hindi naman sa nagpapatianod ako pero gaya ng sabi ko kanina... pahuhupain ko muna siguro ang issue. Hindi ngayong mainit pa.

Ang problema ko lang ay baka patalsikin nila ako dahil panay ako liban.

"Kanino ito?" Tanong ko kay Caspian ng tumigil kami sa harapan ng isang motor. Pinagpapawisan ang aking noo sa init dahil naglakad pa kami.

Inabot niya sa aking ang helmet bago nagsalita. "Hiniram ko kay Ed. Nakapag-ipon na rin ako para makabili... wala lang oras." Aniya.

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now