Kabanata 55

10.3K 269 113
                                    

SPG: Medyo sexual

Kabanata 55, Sleep

"Iyan na pala sila!" Umangat ang tingin nila sa aming gawi ng makita kaming papalapit.

Kumakain na ang mga ito maliban kay Carlos na naghihintay.

Nginitian ko sila bago naghanap ng bakanteng upuan. Namataan ko sa tabi ni Carlos at sa tabi ni Lilian.

Magkaharapan ito. Napalunok ako bago iyon tinungo.

Mahaba ang linya ng pagkaing nakapatong sa dahon ng saging. May crabs, shrimps, calamares, tempura at marami pang iba.

Agad akong nakaramdam ng gutom dahil doon.

"Sorry late..." bulong ko.

"Okay lang." Ani Carlos.

Tumango lamang ako. "Bakit ang tagal mo?" Dinig ko ang malambing na boses ni Lilian pagkaupo ni Caspian sa kanyang tabi.

Umangat ang mga mata ko sa kanilang direksyon. Halos mapapitlag ako nang makita nakatingin na sa akin si Caspian.

"May inasikaso pa..." sagot niya.

"Sabi ko sharp Ivs, late ka." Dinig kong bulong ni Devon sa aking kaliwa. Napabaling ako sa kanya.

"Gutom na ako Ivana hindi na kita nahintay!" Ani Ponnie. Naka-braid ang kanyang buhok at nakasuot siya ng loose top.

Tumawa lamang ako at sinabing okay lang iyon.

"Hugas lang ako..." paalam ko nang mapansing nagkakamay sila.

Sumenyas lang ng okay si Devon bago ako hinayaan. Tumalikod na ako upang makaalis.

Tinahak ko ang daan papunta sa hugasan ng kamay. Tinignan ko rin ang ibang customer na kumakain. Ngayon ay talagang nakakaramdam na ako ng gutom!

Nang makarating ako sa sink ay tinignan ko pa ang aking mukha.

Maayos naman ito. Siningit ko ang buhok sa aking magkabilang tenga bago binuksan ang sink.

Bahagya pa akong yumuko dahil mababa iyon. Kumuha ako ng sabon at maiging naghugas.

Ilang sandali pa'y may naramdaman akong presensya sa aking likod. Naramdaman kong tinaas niya ang strap ng aking pang-itaas dahil bahagya iyong nahulog.

Umangat ang aking tingin at namataan si Caspian mula sa salamin.

Napalunok ako. Nginitian ko siya noong pumwesto siya sa aking tabi upang makapaghugas.

"Thanks."

Hindi siya sumagot at nanatili ang tingin sa kamay.

"I thought you're mad..." tikhim ko. Bahagyang binabasag ang awkwardness sa paligid.

Doon lamang lumipad ang kanyang mata sa akin.

Kumunot ang kanyang kilay.

"What do you want me to do?" Simangot niya. "Let you flaunt your breasts in public?"

Umawang ang aking labi. "Does that concern you?"

Umangat ang gilid ng kanyang labi ngunit kita ko ang dilim na nakapaloob doon.

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now