Kabanata 27

12.7K 310 48
                                    

Kabanata 27, Maubusan

"Isang bulalo tapos dalawang palabok saka isang adobo iyong inorder ko." Ani Caspian ng makabalik mula sa counter. Nilipat niya ang kanyang monoblock chair sa aking tabi dahil magkaharapan iyon.

Uminit ang aking pisngi. "Ang dami naman."

"Para kumain ka nang marami." Napailing ako ngunit hindi na nagreklamo. Kung hindi ko naman kayang ubusin ay alam ko namang kakainin niya iyon.

Pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang aking kamay dahil medyo hindi kami abot ng electric fan. Dito kami kumain sa dating karenderya noong may nagtangka sa akin.

Nang mapansin ni Caspian na naiinitan na ako'y mabilis niyang sinikop ang aking buhok. "Wala ka bang pantali?" Tanong niya.

Umiling ako at napanguso para magpigil ng ngiti. Slowly... He's starting to show how caring he is.

Kinagat niya ang kanyang labi bago inayos ang aking buhok. Pinatong niya iyon sa aking kabilang balikat. Ramdam ko ang pagdikit ng ilang hibla noon sa aking balat gawa ng pawis. Mabilis niyang kinuha ang kanyang panyo bago iyon pinunasan.

"Dapat nagdadala ka ng pantali mo." Aniya.

"Yeah, bibili siguro ako mamaya." Wika ko. Wala akong san rio or anything. Hindi ko rin naiisip talian dahil mas sanay akong nakaladlad iyon. At isa pa, nakaka-sira ng buhok kapag palagi iyong nakatali.

Tumango-tango siya at kalaunan ay natahimik. Nang ilang sandali pa'y marahan siyang suminghap bago ako tinignan. "Can I hold your hand?"

Parang may pumisil sa aking puso at mabilis akong pinamulahan sa kanyang tanong. Para siyang bata sa katawna ng isang lalaking mukhang matapang. Hindi ko mapigilang matuwa dahil sa naiisip na sa akin niya lamang ito pinapakita. Hindi ito alam ni Ysa, o noong babae nung nakaraan, o ng iba pang babaeng may gusto sa kanya. Ako lang.

Hindi ako sumagot. Dinilaan niya ang kanyang labi bago tinignan ang aking kamay na nakapirmi sa ibabaw ng lamesa. Kinuha niya iyon at mabilis na pinagsalikop sa kanyang mga daliri.

His hands are hard and rough, lalaking lalaki. 

"Hindi naman ako sumagot hah." Mahina kong saad. "Nagtanong ka pa."

Nakita kong kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi para matago ang kanyang ngisi. "Next time I won't ask..."

Nabuong muli ang boses sa aking lalamunan na para bang gustong kumawala. Tinikhim ko na lamang iyon.

"You're so pretty." Tinutop ko ang aking labi.

"Ano ba?" I hissed. Hindi ko alam kung si Caspian pa rin ba ito o ibang tao na.

Dinala niya ang aking kamay papunta sa kanyang labi. Pinatakan niya iyon ng halik.

"I love you." Ulit niya sa sinabi niya kanina.

Sumikip ang aking sikmura at pakiramdam ko'y magsusuka na ako ng mga bulaklak kasama ang mga paru-parong kanina pa nagwawala. Goodness! I don't think I'll get used to it. Dalawang beses pa lang niyang nauulit perp pakiramdam ko'y iba't ibang klase na ng emosyon ang naiparamdam niya sa akin.

Love huh? I wonder what it is. I wonder how it feels, I wonder how can he say that directly. Without doubts. Without uncertainty.

Hindi kaya nabubulag siya sa ideya ng pagmamahal? I haven't experienced it myself... But for me I think, love is just a deception. Siguro'y nahuhulog ka lang sa salita niya pero hindi mo talaga siya mahal. Siguro'y nagagandahan ka lang sa kanya pero hindi mo talaga siya mahal. Siguro'y malungkot ka lang at kulang sa atensyon pero hindi mo talaga siya mahal.

Pleasure Of Destruction | R-18Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt