Kabanata 66

10.1K 219 21
                                    

Kabanata 66, Okay

Alas sais noong magising ako. Gaya nga ng sinabi ni Caspian ay hindi talaga siya natulog sa kanyang kwarto.

Nabuhay ang kung anong konsensya sa akin. Nag-inat ako bago tuluyang tumayo.

Dumiretso ako sa banyo upang magsepilyo.

Nakakapanibago ang lugar pero ang pamilyar na amoy ni Caspian ay nagkalat sa buong kwarto sanhi para mahimasmasan ako.

Anong gagawin ko ngayong araw?

Dalawang araw na lang ang natitira sa amin kung sakali. Well... Ang gusto ni Caspian ay ang kaligtasan ko.

Wala naman siyang iba pang hinihingi pero... siguro'y pwede ko naman siyang gantihan? Magluto kaya ako?

Natuwa ako sa aking naisip at agad ding nagdesisyon na tama nga't magluluto ako!

Pagkatapos kong magsepilyo'y tinahak ko ang daan palabas. Bahagya pa akong nilamig gawa ng buong aircon na bahay.

Naka-spaghetti strap lamang ako at pajama. Nilibot ko ang aking tingin sa labas upang tignan kung naroon na ba si Caspian ngunit wala pa rin!

Siguro'y natutulog pa. Masyado pang maaga e.

Tahimik kong binaba ang hagdan upang makaderetso sa kusina. Maliit lamang iyon ngunit naroon na ang lahat.

Mabilis akong nag-isip ng pwedeng lutuin.

Ano bang maganda ngayong umaga?

Binuksan ko ang kanyang ref at namataang onti lamang ang laman noon. Itlog, at ilang gulay. Ang freezer niya naman ay walang laman.

Goodness...

Suminghap ako bago naglabas ng dalawang itlog. Naglabas din ako ng keso at mayonnaise.

Pagkatapos noon ay dumiretso na ako upang makakuha ng mangkok.

Binasag ko roon ang itlog at maiging binati. Nang matapos ay dumiretso na ako sa stove.

Medyo natagalan pa ako roon gawa ng hindi ko iyon alam ngunit kalaunan ay nabuksan ko rin, pasalamat sa maliit na directions na nakalagay sa gilid. Mukhang hindi niya tinatanggal.

Pinunasan ko ang tumulong pawis sa aking noo bago nagluto. Nagsaing din ako ng kanin sa kanyang rice cooker.

Hindi ko alam kung ilang sandali ako roon hanggang sa tuluyan akong matapos. Pumwesto ako sa hapag para sana maghanda na ng pagkain nang biglang bumukas ang pinto.

Sinalubong ng aking mga mata si Caspian na may dala-dalang ilang supot ng plastic.

Huh? Gising na siya? Akala ko'y tulog pa! Ang aga naman niyang umalis?

"Good morning..." ngiti niya sabay pasada ng tingin sa mesa kung saan nakalagay ang scrambled eggs.

"Good morning. Umalis ka pala." Sambit ko sabay nood sa kanyang dumiretso sa sink upang mailagay ang mga pinamiliz

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now