Kabanata 50

9.9K 224 19
                                    

Kabanata 50, Search

Kinabukasan ay hindi ko na halos maimulat ang akin mga mata. Hinagilap ko kung anong oras na at namataang alas otso na ng umaga.

Wala naman akong trabaho ngayon pero aalis na kami kinabukasan kaya kailangan ko nang mag-impake.

Bumuntong hininga ako at kahit mabigat ang katawan ay agad na ring bumangon upang makapagsepilyo.

I shouldn't dwell myself on that situation too much. Nangyari na...

Nang matapos ay dumiretso ako sa ilalim ng kama kung saan ko inilagay ang aking pulang maleta.

Pinunasan ko ang aking pawis bago iyon hinila. Nilagay ko ito sa paanan ng aking kama bago ito binuksan.

Agad akong napangiwi ng mamataang nandoon pa ang mga dati kong gamit. Iyong mga libro ko noong nag-aaral pa, maging ang ilang magazines.

Natutop ko ang aking labi bago iyon nilabas isa-isa. Nilagay ko ito sa gilid ng pinto upang mamaya'y maayos.

Nang maalis ko na ang mga ito'y naghugas ako ng kamay gawa na rin ng ilang alikabok.

Pagkatapos ay dumiretso na ako sa aking cabinet upang mailagay ang aking mga susuotin.

Nagdala ako ng tatlong bikini. Tingin ko'y sakto lamang ito. Nagdala rin ako ng ilang underwear. Sleeveless top, crop top, shorts, midriff. Maging ang napkin.

Pinatong ko ito sa kama, maging ang aking mga make up. Nang maihanda ko lahat ng kailangan ay tinupi ko na ang mga damit at isa isa iyong inilagay sa lalagyan— ngunit panandalian din akong natigilan ng may sumagi sa aking paningin.

Ang pamilyar na disenyo at ang kislap nito.

Nabitawan ko ang aking hawak at mabilis na dinampot ang singsing na nalimutan ko na.

May kung anong pumiga sa aking puso ng sumagi sa aking isip ang nangyari. Kung paano niya iyon binigay...

Mariin akong napapikit. Fuck!

Bakit ba lahat na lang ay naalala ko siya! Mabilis ko itong dinampot at nilagay sa ibabaw ng aking maliit na lamesa.

Suminghap ako at pagod na humigang muli sa kama.

I'm tired.

Bakit ba hindi ko siya makalimutan? Bakit malakas ang kutob kong wala na akong tiyansa? Caspian's not here anymore.

Napahilamos ako at muling bumangon.

Nagpatuloy ako sa aking pag-iimpake kahit mabigat ang aking pakiramdam. Hindi ko na halos naramdaman pa ang oras noong matapos ako.

Ipinwesto ko ang maleta sa tabi ng pinto. Tinitigan ko ang singsing habang nakahiga sa kama.

Ito na lang ang alaala ko kay Caspian. Hindi ako makapaniwalang makikita ko ulit.

Halos sampalin ko ang aking sarili. This is the reason why Ivana! You can't let go!

Bakit hindi mo na lang siya hayaan? You're not even doing your best to forget tapos kukwestyunin mo ang sarili mo?

Fuck!

Muli kong tinignan ang singsing. Hindi ito kumapas kahit ang tagal na lumipas.

Images of us flashed into my mind once again.

Mariin akong napapikit. I can't! Hindi ko kayang bitawan ito!

Pleasure Of Destruction | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon