Kabanata 21

13.8K 332 109
                                    

Kabanata 21, You'll see

Buong akala ko pagdating namin ng bahay, mamamayapa na ang topic tungkol sa pagtatrabaho ko ngunit sinalubong niya lamang si Kyla para itanong iyon.

"Ikaw ba ang nagsabi kay Ivana ng ganoong trabaho?" Napakurap ako sa kanyang tanong.

Ni hindi niya pinadaan sa aking itatanong niya iyon!

Natulala si Kyla at mabilis kong nabakasan ang panic sa kanyang mukha!

"Ano ba Caspian?" Tanong ko. "Hindi!"

Hinarap ko si Caspian at itinago si Kyla sa aking likod. Nakita kong nanginginig ang kanyang kamay na mukhang nagdadalawang isip kung sasabihin niya ang totoo o hindi!

"Ako ang nakahanap noon!" Pagtatanggol ko sa kanya.

Hindi ngumiti si Caspian. Tinignan niya lang ako. Agad ko siyang pinanliitan ng mata.

"Huwag mo na siyang tanungin." Tiim bagang kong saad.

Agad siyang napaiwas ng tingin. Umusli ang kanyang nguso bago tumalikod. Dumiretso siya sa kusina at naiwan kami sa labas ni Kyla.

Mariin akong napapikit bago bumaling sa kanya. "I-I'm sorry..." bungad ko.

Umiling siya. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata at mabilis iyong pinunasan. "Kasalanan ko naman talaga."

"Hindi. Biglaan ang pangyayari, wala kang kasalanan. Ayaw mo akong pagtrabahuhin pero nagpumilit ako. Kasalanan ko iyon."

Pilit niya lamang akong nginitian ngunit bakas ko pa rin ang pag-aalala sa kanyang tingin.

Bumuntong hininga ako at marahang lumapit para bigyan siya ng isang yakap.

I need to comfort her. Alam kong hindi lang iyon ang dahilan kung bakit siya natatakot.

Natigilan siya ngunit sa sumunod ay niyakap din ako.

"It's okay, ako nang bahala..." Saad ko. Nanatili kaming ganoon nang ilang sandali bago ko siya binitawan.

Umupo muna siya roon at nanatili lang ako sa kanyang tabi kahit hindi siya nagsasalita.

"Caspian." Wika ko kay Caspian noong makita siyang muling umiinom sa sala. Ang pinagkaiba lang ay wala na si Chester. Ala una na ng madaling araw.

Nilingon niya ako. Muli niyang kinulbit ang kanyang pang-ibabang labi. "Bakit...?"

Napaiwas ako ng tingin bago nagsalita. "Alam mo namang sensitive ang mga babae hindi ba?"

Hindi siya umimik at tinignan lang ako. Tila ba'y naghihintay ng susunod kong sasabihin.

"Dapat ay hindi mo na tinanong kay Kyla ang tungkol sa trabaho. Ako ang naghanap noon, wala siyang kasalanan." At maliban pa roon... hindi mo alam kung ano ang epekto noon lalo na't iniipit ka ng taong gusto mo.

Akala ko'y aapela pa siya ngunit agad ding tumango. "Yeah... I'm sorry."

Kumurap ako habang sinusukat siya ng tingin. Tinitigan niya ako pabalik. Umigting ang kanyang bagang sanhi para mas lalong madepina ang kanyang muscles sa panga.

Iwinaglit ko ang ideya na iyon at nagpokus sa dapat kong sabihin.

"Hindi ka dapat sa akin nagsasabi ng ganyan." Simangot ko pa rito. "Sa kanya ka humingi ng tawad."

Dinilaan niya ang gilid ng kanyang labi bago muling tumango.

"At bakit ka pa umiinom? Hindi ba may trabaho ka pa bukas?" Suminghap siya.

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now