Kabanata 18

13.5K 343 12
                                    

Kabanata 18, What did you say...

Sa mga sumunod na araw ay ganoon ang ginagawa namin ni Kyla. Ang pinagkaiba lang ay magte-text ako kay Caspian na okay lang ako dahil talagang pag-uwi ay guguluhin niya ako.

Maayos na rin ang bahay niya. Baka lumipat siya sa mga susunod na araw. Hindi lang matuloy dahil inaasikaso niya pa rin si Chester. Nakakagalaw-galaw na rin ito pero kailangan pa rin ng tulong.

Matagal kasi itong gumaling.

Pero ngayon kailangang umalis ni Caspian dahil matagal na siyang hindi pumapasok sa trabaho niya.

Sumimsim ako sa aking kape habang pinapanood siyang magsuot ng sapatos. Nakaupo ako sa sala at sinabing hindi ako aalis.

Of course that's a lie.

Hinawi ko ang aking buhok— saktong lumingon siya sa aking gawi.

Parang nag-react ang kape sa aking tiyan dahil doon. Hindi ko iyon pinahalata at pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Make sure you're not leaving." Aniya.

Suminghap ako at tumango. Kita kong nag-aalinlangan pa siya ngunit kalaunan ay tumalikod na rin.

Nakahinga ako nang maluwag. Nang tuluyan siyang makalabas ay doon pa lamang ako pumasok sa banyo para makaligo.

Ang sabi ko kay Kyla ay kahit hindi na muna siya umalis ng bahay dahil wala naman din si Caspian.

Ngayon ay alam ko na kung paano ako makakaalis. Alas diez pa lang naman, hindi ko na kailangang magmadali.

"Alis na ako..." paalam ko kila Kyla pagkatapos. Tinahak ko ang daan paalis at gaya ng nakagawian ay sumakay ako ng jeep bago tricycle.

"Magandang umaga." Alas dose na ako nakarating. Nagpalit ako ng damit at tumambay muna sa labas.

Pinanood ko rin ang ibang mag-ayos. Nakaupo ako sa bench na naka-pwesto sa pagitan ng five at six na kwarto.

Nagulat ako ng biglang may tumabi sa akin. Ang kanyang buhok ang una kong napansin. Naka-bagsak ito gaya ng akin. Binawasan niya na rin ang kanyang make up.

Hindi ko siya pinansin at nagkunwaring busy kakatingin sa ibang bagay.

"Hello Ivana." Bungad nito.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Malaki ang ngiti nito sa akin.

Hindi ko iyon ibinalik.

"Pwede bang i-refer mo rin sa akin ang mga nagiging customer mo?" Kumurap-kurap ito.

Tinagilid ko ang aking ulo. "Choice nila iyon kung pupunta sila Pauline..."

Bumagsak ang gilid ng labi nito. Para bang hindi nagustuhan ang aking sinabi.

Kalaunan ay pinagtaasan niya ako ng kilay. "Masasaktan ka ba kung hindi mo sasabihin iyon?"

Hindi ako sumagot. Alam ko ang mga ganitong klaseng babae. Hindi lang siya ang nakasalamuha kong ganito umakto.

Bumuntong hininga ako. "An—"

Hindi niya ako pinatapos. "Hindi porke't bago ka saka mabenta, hindi ibig sabihin noon may karapatan ka ng magdamot."

Tumiim ang aking bagang. That's it. That's enough. Hindi na ako magsasalita.

Binugahan niya pa ako ng masasakit na salita ngunit pinadausdos ko lang iyon sa kabila kong tainga.

Hindi nga ako ginaganito ng mga nagpapakain sa akin. Bakit pa ako magpapaapekto?

Nang mawalan ng gana'y iniwan ko siyang nagsasalita roon.

Pleasure Of Destruction | R-18Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang